^

Eric, retirado na!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 4, 2021 - 12:00am

Nanghinayang kami, sa totoo lang, Salve A., na hindi na aktibo sa showbiz si Eric Quizon.

Ang bata niyang mag-retire, kumbaga, sa larangang pinakasikat, kumbaga, ang kanyang ama at tinagurian pa ngang King of Comedy, si Dolphy.

On his own, gumawa rin ng pangalan si Eric, now 54, sa larangang ito, as director, producer and, of course, actor.

As an actor, Eric dabbled both in comedy and drama, at magaling siya in both.

Nanghihinayang din kaming hindi naisip ni Eric na mag-asawa at magkapamilya. He would have made an ideal husband and father.

Common knowledge sa showbiz na mabait siyang tao.

Kung sabagay, kung pera raw ang pag-uusapan, hindi raw ito problema kina Eric at mga kapatid, considering the numerous properties na namana nila sa kanilang ama.

True bang may subdivision ang mga Quizon named after Dolphy?

Ronnie at Loisa, aminadong laging magkasama

Aware raw ang magkasintahang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa tsismis tungkol sa kanila na nagli-live in na sila.

Both only in their 20s, they both deny this. Bagama’t they are most of the time together daw, dahil sa current pandemic.

At halos magkapitbahay din lang sila, since just a scooter away lang daw ang mga tinitirhan nilang subdivision. Katatapos lang gawin ang kanilang last series together, Unloving You, co-starring them with the husband and wife team of Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Xian, tahimik pa sa ididirek na serye

It’s not just Xian Lim’s game show pala, with Chad Kinis, 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy, on Cignal TV and TV5, which will keep him busy soon.

He will be directing daw a new series for Viva Entertainment, the title of which he’d rather not divulge yet.

Meantime, 1000 Heartbeats, according to Xian, is a game show series where contestants are up against their own body check.

It will start airing March 21, Saturday.

Tambalang Grae-Kira, pumatok…

Mukhang kinagat, Salve A., ang tambalang Grae Fernandez at Kira Balinger.

Both 20 years old, they are featured as a team sa malapit nang magtapos na drama series, Ang Sa Iyo Ay Akin, topbilled by Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Maricel Soriano, Joseph Marco at Rita Avila.

Direction: FM Reyes and Avel Sunpongco.

Both a singer and a dancer, bago nagpakitang gilas bilang artista, Kira was introduced in The Story of Us, starring Xian Lim, Shaina Magdayao, Zsa Zsa Padilla and Gardo Versoza, among others.

Grae, of course, is the son of Mark Anthony Fernandez, son of the late Rudy Fernandez at Alma Moreno.

ERIC QUIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with