^

Pang Movies

Zia, interesado na agad maging direktor

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Zia, interesado na agad maging direktor
Zia at Marian

Tiyak na susundan din ni Maria Letizia Dantes o si Zia nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera ang yapak ng mga magulang kapag nagkataon. Ngayon pa lamang kasi nagpapakita na ng hilig si Zia sa trabaho ng parents niya.

Instagram post ni Dingdong last Friday na ipinakikita niyang may hawak na clapper si Zia sa harap ni Marian, while may suot itong fluffy cat ears sa kanyang ulo. My clapper loader and 2nd AC (assistant cameraman) for today, caption ni Dingdong sa kanyang Instagram.

Ngayong pandemic, hindi na umaalis ng bahay si Marian, at bilang host ng OFW drama anthology na Tadhana, ng GMA Network, doon na kinukunan ang spiels niya ng show, habang si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.

Andrea, gustong mag-travel sa Europe

Ini-enjoy ni Kapuso actress Andrea Torres ang single life niya ngayon, kaya ayaw na niyang sumagot tungkol sa kanyang lovelife. Sa ngayon, ang dream niya, makapag-travel mag-isa sa ibang bansa, at gusto niyang puntahan ang mga lugar sa Europe.

“Inspired ako ng novel-turned-movie na Eat, Pray, Love, na ang bida ay nag-travel alone sa Italy, India at Bali,” kuwento ni Andrea. “Iyong lead star, hinanap ang sarili matapos ang dinaanang hiwalayan sa karelasyon.  Kaya dream ko nga ngayon, magbiyaheng mag-isa at gusto kong puntahan ang Europe. Mahilig kasi akong mag-ikut-ikot, maglakad-lakad, mag-explore-explore.

“Kahit dito sa atin, mahilig akong maglakad-lakad sa streets, puntahan kung ano lang ang maisipan kong cafe o restaurants, kahit mag-isa lamang ako. Kapag nasa abroad naman ako, gusto ko ring nakikipag-usap sa strangers. I make friends with them.  Kaya kapag natapos na itong pandemic na pinagdaraanan natin, balak kong mag-travel alone, magkakalapit lamang naman ang mga bansa sa Europe, madali lang puntahan, mati-train mo lamang itong lahat.”

Naikuwento pa ni Andrea, kahit sa lock-in taping nila ng upcoming Kapuso primetime series nilang Legal Wives, ini-enjoy niyang i-explore ang lugar na mag-isa. “Minsan na nga akong naligaw sa pagbalik ko sa location namin. Meron kasing lake doon sa lugar na gusto kong puntahan, pero hindi ko nakita at naligaw na rin ako sa pagbalik,” natatawang patapos ni Andrea.

Very soon ay mapapanood na ang cultural drama series na Legal Wives sa GMA 7, kasama ni Andrea sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at iba pang cast, sa direksyon ni Zig Dulay.

Sharon at Marco, magtatambal

Ngayong tuluyang bumalik na sa showbiz si Megastar Sharon Cuneta, very busy na muli siya. After niyang tanggaping maging jury muli ng Your Face Sounds Familiar, balik na rin siya sa dati niyang home studio na Viva Films at may gagawin siyang movie, titled Revirginized na sinulat at ididirek ni Darryl Yap. Natapos na raw ni Darryl ang script noon pang February 15, at ngayon ay busy na siyang naghahanda para sa lock-in shoot ngayong month of March.

Makakasama ni Sharon sa movie sina Albert Martinez, Cristina Gonzalez, Rosanna Roces at leading man ni Sharon si Marco Gumabao. Mukhang very busy rin ang Viva Films dahil sisimulan din nila ngayong March ang lock-in shoot ng first movie team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards na A Moment To Remember.

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with