^

Pang Movies

One More Chance, istorya rin nina John Lloyd, Ellen at Derek

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
One More Chance, istorya rin nina John Lloyd, Ellen at Derek

Naaliw kami sa meme ng 2007 Star Cinema movie na One More Chance sa eksenang magkasama sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay dahil iniba ang dialogue.

Tinanong kunwari ni John Lloyd si Bea Alonzo kung boyfriend na niya si Derek? Ang kasunod na dialogue ni John Lloyd ay “Congratulations. Sa wakas nakahanap ka na ng pamalit sa akin. Cheer!”

Kasama pala si Derek sa nabanggit na pelikula bilang si Mark, friend at colleague ni Basha (Bea) at inakala ni Popoy (John Lloyd) na may relasyon sila ni Basha. Marami tuloy ang gustong muling mapanood ang pelikula para mapanood ang eksena nina John Lloyd at Derek.

Mainit sina John Lloyd at Derek ngayon dahil kay Ellen Adarna na ex ni John Lloyd na GF ni Derek ngayon. Parang sa One More Chance raw ang nangyari, iba lang ang babae dahil sa halip na si Bea ay si Ellen ang ex ni John Lloyd na current GF ngayon ni Derek.

LizQuen, alcohol ang bagong negosyo

Ang magdyowang Enrique Gil at Liza Soberano pala ang owner at magkasosyo sa HKT essentials at ang una nilang product na ni-launch ay alcohol. Sabi, 70 percent ethyl alcohol ito at P80 lang ang 500 ml. 

Post ni Liza, “Today is the day! @enriquegil17 and I are finally launching our new business @hktessentias 70% ethyl alcohol. Clean hands, clean world, there is Hope!”

Sa rami ng fans nina Enrique at Liza, siguradong magiging mabili ang HKT essentials, kaya lang, bakit limitado kung saan mabibili?

TVJ, nagsama-sama pagkatapos ng isang taon

Natuwa ang netizens na nakakita sa litratong magkakasama sina Senate President Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto. After almost one year na hindi pagkikita ng TVJ dahil sa quarantine dala na COVID-19 pandemic, nagkita-kita rin ang tatlo noong February 27, sa 50th wedding anniversary nina Mr. Tony Tuviera at misis nito.

Pinost ni Tito ang photo nilang tatlo at nilagyan ng caption na “Together again after over a year!” Ang caption naman ni Joey sa picture ay “ONE YEAR NO SEE... naka-face mask pa! Half-face to half-face after a year but HALF-PY to see each other!”

May suot na face mask ang tatlo na inalis lang nila para sa picture taking. In fact, nakasabit pa sa tenga nila ang face mask. Makikita rin sa picture na mapuputi na ang buhok nina Tito, Vic at Joey.

Kasama ni Vic na dumalo sa wedding anniversary ng TAPE at APT Entertainment owner ang asawang si Pauleen Sotto na ang sabi, mini date raw nila ni Vic ang araw na ‘yun.

Tambalang Bea-Alden, iIbahin ang title

Comment ng isang netizen, malakas maka-Star Magic ang plugging ng GMA 7 na “2 Days to go! This Is The Team Up You Will Remember Forever!” na tungkol na yata sa grand reveal ng team up nina Bea Alonzo at Alden Ri­chards.

Nabanggit na kung sino ang director ng movie at siya ay si Nuel Naval. Ang hindi pa nai-announce ay kung sino ang mga makakasama nina Bea at Alden sa nabanggit na pelikula.

Tamang-tama ang announcement sa March 14 na schedule ng first day lock-in shooting ng A Moment to Remember na baka raw palitan ang title.

 

 

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with