^
John Lloyd walong oras ang comeback movie?!
John Lloyd

John Lloyd walong oras ang comeback movie?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Walong oras nga ba ang comeback movie ni John Lloyd Cruz na Ser­vando Magdamag? Si Direk Lav Diaz ang director nito at kasalukuyan na silang nagsu-shooting sa Sorsogon.

One month daw doon ang group nina Direk Lav and John Lloyd ayon sa isang source ko sa Sorsogon.

Last week pa raw andun ang actor kasama sina Ronnie Lazaro and Nonie Buencamino at ang buong crew ng Servando... pero pinag-quarantine sila ng local government and swab tests. “Nung sure na negative na tsaka nagstart mag-shoot,” chat pa ng kausap ko kahapon.

‘Praning’ daw kasi ang mga Bicolano sa mga galing sa Manila na understan­dable dahil marami pa rin ang positive cases sa NCR.

Eh sa Sorsogon pala, 20 lang ang positive sa COVID-19 na outside Sorsogon pa raw galing kaya maingat na maingat sila.

Bawal, kaya wala raw nanonood sa shooting except dun sa harapan mismo ng bahay or tindahan nila at sa ilang hindi mapigilang mag-usyoso.

Officially, ito ang comeback movie ni John Lloyd matapos ang showbiz break nang ma-in love, magkaanak at makipaghiwalay kay Ellen Adarna na nga­yon ay sinasabing bagong girlfriend ni Derek Ramsay.

Nathalie binanatan ng LGBTQ, nag-sorry!

Nag-sorry na si Nathalie Hart sa mga nasaktan sa kanyang sinabi na between lesbian and gay, mas kaya kaya niyang makipagrelasyon sa gay.

“Hello, guys! My close friends and family know how much I love gay people. I’m sorry if I offended the LGBTQ community for the remarks I made which were taken out of context

 “I regret my actions and I truly apologize to the people I have offended. I’m truly sorry.” 

Nauna na nga niyang sinabi nang makausap siya ng ilang entertainment press na “Siguro mas pipiliin ko ang bading! Kasi at least, parehas ang gusto namin.

“Kung tibo, kasi, magkaiba kami. I think I can be in a relation with a bading kesa sa tomboy!” na nabigyan ng ibang interpretation at napagbintangan siyang homopobic.

Bibida sila ni Jane Oineza sa LGBTQ episode ng Maalaala Mo Kaya bukas kaya nahingan siya ng comment tungkol dito.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with