^
Lovi, naglabas ng ebidensya sa recording sa New York
Lovi

Lovi, naglabas ng ebidensya sa recording sa New York

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Inilabas na ng Kapuso actress na si Lovi Poe ang ebidensiyang ni-record niya sa New York City ang bago niyang single na Under. May picture si Lovi sa kanyang Instagram kahapon na katunayan ng recor­ding habang nasa isang studio.

Base sa caption ni Lovi, tila inilihim niya ang recording at kahapon lang niya ito ibinahagi. “Once upon a time in New York. Been keeping this but I can finally share with you.

“Dreams do come true and mine came in the form of recording and being produced by Grammy award-winning producer Omen for my song Under!

“Was quite nervous in the studio but he really did sprinkle magic on the song,” bahagi ng post ni Lovi.

Siyempre, malaking tulong din ang foreigner boyfriend niya para matupad ni Lovi ang pangarap na magkaroon ng international record.

Kasalukuyang napapanood si Lovi sa GMA Telebabad na Owe My Love kung saan siya rin ang kumanta ng theme song.

Centerstage, nasa virtual set na

Big reveal ngayong Linggo, ang virtual set sa Centerstage na first time masasaksihan sa Philippine TV. “Another first na naman ‘to. Breakthrough ng GMA, the first television show to use virtual set,” pahayag ng host na si Alden Richards.

Sa totoo lang, laging nasa trending list ang weekly episode ng reality kiddie singing competition dahil sa matitinding labanan ng aspiring Bida kids.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with