^

Pang Movies

Janno at Kitkat, mas lumala pa ang away!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hala! Sa halip na maayos na sina Janno Gibbs at Kitkat, mas gumrabe pa at dahil ‘yun sa social media. Pagkatapos kasing mag-usap, nag-post sa Facebook si Kitkat na hindi nagustuhan ni Janno. Sumagot ito na sasabihin ang totoong nangyari sa taping ng Happy Time na ikina-highblood ni Kitkat. Pinost nito sa IG Story ang “140/90” na tingin namin, blood pressure niya dahil sa stress. Kahapon, may post na naman si Kitkat na ni-repost ni Janno sa kanyang IG Story at hinahamon na ni Kitkat o hinahamon na ng ama at asawa ni Kitkat si Janno. Post ni Kitkat: “Galit na galit pamilya ko! Lalo ang tatay at asawa ko P****** mo din daw! Magharap daw kayo! Kahit kelan wala kang B&?!#G. Buong mundo suklam na suklam sayo pati sa ginawa mo sa pamilya mo!

“Ngayon pati AKO at pamilya ko damay sa saltik mo! Di kita mapapatawad! Bigla kang pipitik ng duro duro pagwawala at pagmumura sa tao at magwawala? Adik ka???! Sabagay ang lamig lamig lagi ka pawis!

“Kung di ka G@*O ung ginawa mo magagawa mo ba sa asawa mo or sa pamilya mo? At kalalaki mong tao manduduro, maghahamon at magmumura ka sa babae???! wala ka talagang B&$@G!

“Di lang ako, lahat nanliit sa ginawa mo, ikamamatay ko stress ko sayo! Ako tong may pinagdadaanan, may sakit pero ikaw tong eksena! Kahit kelan napaka unprofessional mo! Bigla bigla kang pumipitik kahit masaya ang lahat ilang beses yan pero eto di na mapapalampas! Sobra kana! Tatay at Asawa ko galit na galit magharap daw kayo! Putulin yang maliit mong ano! At bayaran mo mic na binato mo! Kapal ng mukha mo! Di ka namin mapapatawad!”

Sumali na rin sa usapan ang anak ni Janno na si Gabs Gibbs at post nito, “Gusto ko yung post ng post kahit hindi naman talaga sya pinapansin ng mga tao. PUSH pa!!! ALSO SIDE NOTE thats what people do when they NEEEEEED attention. Sad but there are really people that go extra mile.”

Sinundan pa ng isang post ni Gabbs na sabi, “Isa pa- as a Christian and as a WOMAN i would never create fake accounts to harass someones family. And send DEATH THREATS, then delete the post.”

Lumaki na ang isyu, ‘di ba? May hamunan at death threats nang pinag-uusapan at sana, hindi na magkasakitan ang dalawang side.

Cassy at JD, bawal pang magligawan

Mukhang magiging successful ang loveteam nina Cassy Legaspi at JD Domagoso na ipakikilala sa First Yaya dahil may kilig sa kanilang dalawa. Kahit magkahiwalay ang Zoom interview kina Cassy at JD, ramdam at ipinaramdam nila ang nararamdamang kilig.

Kuwento ng dalawa, pati crew ng series, kinikilig sa kanila at may isang eksena raw na naging vocal ang staff sa pagpapahayag na kinikilig sila. Tinutukso nga raw sila at sabi nina Cassy at JD, mararamdaman din ‘yun ng viewers kapag airing na ang First Yaya at ang particular na eksena.

Pero kung susundin nina Cassy at JD ang kani-kanyang parents, walang ligawang mangyayari sa kanila kahit may kilig at attraction sa kanilang pagitan. Payo nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kay Cassy, “don’t rush into love it will come to you. If you do fall in love, protect your heart. ‘Wag masyadong ma-fall, focus muna and don’t rush.”

Sa March na raw ang worldwide premiere ng First Yaya na mula sa direction ni LA Madridejos at tampok sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with