^
Hiwalay na nga ba? Kylie, binura ang mga litrato ni Aljur!
Kylie at Aljur

Hiwalay na nga ba? Kylie, binura ang mga litrato ni Aljur!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Deleted na ang cryptic posts ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram Stories na sabi ng mga nakabasa, signs na may problema ang pagsasama nila ni Aljur Abrenica. Ang natira ay  ang mahabang post tungkol sa pagiging alone.

Post ni Kylie: “The capacity to be alone is the capacity to love. It may look paradoxical to you, but it’s not. It is an existential truth only those people who are capable of being alone are capable of love, of sharing, of going into the deepest core of another person, without possessing the other, without becoming dependent on the other, without reducing the other to a thing, and without becoming addicted to the other. They allow the other absolute freedom, because they know that if the other leaves they will be as happy as they are now. Their happiness can’t be taken by the other, because it is not given by the other.”

Malalim ang  post na ito ni Kylie at kung babasahing maigi, malalim din ang ibig sabihin. Na-check namin na walang larawan ni Aljur sa  IG ni Kylie, pero sa IG ni Aljur, may pictures pa rin ni Kylie.

Janno, nakipagsagutan sa kakampi ni Kitkat

Sumagot si Janno Gibbs sa nag-comment ng “Ugaling basura, ugaling squatter. Didn’t your mom taught you how to respect women? Mahiya ka pareho pa namang mga babae anak mo.”

Sagot ni Janno, “1.) It’s didn’t your mom ‘teach’ not taught 2) Mahiya ka naniniwala ka sa tsismis.”

Obviously, may kinalaman sa isyu sa kanila ni Kitkat ang sinagot na comment ni Janno, pero si Kitkat, tuluy-tuloy ang pagpo-post about respect. Ang latest post nga nito na “Attitude is a choice. Happiness is a choice. Optimism is a choice. Kindness is a choice. Giving is a choice. RESPECT is a choice. Whatever choice you make, MAKES YOU. Choose wisely” ay sinang-ayunan ng kanyang followers.

Anyway, sa nag-comment na “on air pa pala ang Happy Time, wala naman daw nanonood at nasasayang lang ng kuryente” ang sagot ni Janno, “salamat po.”

Walang nakakapagbalita kung nagre-report pa si Kitkat sa Happy Time at kung may segment pa rin silang magkasama ni Janno.

Yaya… papalit sa Anak…

Mauuna nang ipapa-interview ng GMA 7 sina Cassy Legaspi at JD Domagoso, ang ilu-launch na love team sa First Yaya na malapit na raw ang airing. Sabi nga ni Gabby Concepcion, sa March na ang world premiere nito at papalit yata sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Today, ang Zoom interview kina Cassy at JD, tignan natin kung magkasundo ang dalawa. Tingnan din natin kung tamang pinalitan ni JD si Kelvin Miranda na inilagay sa hit series ngayon ng GTV-27 na The Lost Recipe katambal si Mikee Quintos.

Na-interview na namin dati si JD sa set ng All-Out Sundays, that time, wala pang balita na papasok siya sa First Yaya.

Albert, balik-GMA

Si Albert Martinez naman pala at hindi si Maja Salvador ang Kapamilya star na lilipat (sa kaso ni Albert, magbabalik) sa GMA Network. May Zoom meeting na ang actor with the GMA Entertainment group noong isang araw, kaya tuloy na ang pagbabalik Kapuso niya.

Ang sabi, isang GMA Afternoon Prime ang gagawin ni Albert, may nagsabi namang makakasama siya sa cast ng Lolong na produced ng GMA Public Affairs. Gusto naman ng ibang fans na isama si Albert sa Book 2 ng Prima Donnas para mas lumakas daw ang cast. Well, hintayin na lang natin ang announcement ng network.

Noon pang 2003 ang last project ni Albert sa GMA 7, ang Habang Kapi­ling Ka at 2003 pa ‘yun, ibig sabihin, after 18 years, ngayon lang makakabalik sa Kapuso Network ang aktor.

Freelancer si Albert at puwede siyang magtrabaho sa GMA 7, ABS-CBN at baka pati sa TV5.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with