^
Miguel, nag-aaral maging leader
Miguel

Miguel, nag-aaral maging leader

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 17, 2021 - 12:00am

Maraming actor ang nag-wish na sila ang gumanap sa role ni Steve Armstrong nang i-announce ng GMA Network na muli nilang gagawin ang Philippine adaptation ng Voltes V na ngayon ay  Voltes V: Legacy. Ang fans ay may kani-kaniyang gustong Kapuso actor na gumanap sa role, pero isang malaking break ang ibinigay ng network at ni Direk Mark Reyes kay Miguel Tanfelix, at ito na siguro ang biggest role niyang gagampanan sa kanyang career.“Si Steve, leader siya eh, so dapat alam ko kung paano umasta bilang isang leader, paano iyong confidence,” sabi ni Miguel sa interview sa kanya ng 24 Oras. “Dapat po ay alam ko ang responsibilities that come with it. Sa ngayon po ay dumaraan ako sa physical training, and I’m listening to podcasts and reading up on books regarding leadership.”

Hindi bago kay Miguel ang pagganap sa roles na ganito, at ang isang malaking role na nagampanan niya ay ang telefantasiya na Mulawin, na hanggang ngayon ay nakatatak sa kanya at muli niyang ginagampanan ito kapag may telefantasiyang ginagawa ang GMA, tulad ng nang gawin muli ang Encantadia.

Lahat ng cast members ngayon ng Voltes V: Legacy ay under training at naka-schedule sila sa lock-in taping by March 2021.

Gary V., humingi ng dasal

Sa Twitter humingi ng prayers si Gary Valenciano sa netizens, at ipinaalam niyang nasa alarming stage ang kanyang sugar level.

“Lord.. humbly I come before you to ask for your help. My sugar level Lord is dangerously high. Although I’ve taken the right steps to bring it back to normal... it’s not easy having it this high. Thank You Lord Jesus for I know You are with me in this.”

Gary is 56, and has suffered from Type 1 diabetes since he was 14 years old. Hindi umaalis si Gary ng bahay na hindi niya dala ang vials of insulin at ibang gamit para ma-check niya ang kanyang blood sugar at may dala rin siyang can of something sweet (like Coca-Cola soft drink). 

Sa kabila ng kanyang karamdaman, hindi hinahayaan ni Gary na pigilan siya nito at patuloy pa rin siya sa kanyang work.

Andrea, hinihintay magsalita

Maraming fans na pala ang naghihintay sa interview sa cast ng Legal Wives na nagtatampok kay Dennis Trillo at sa kanyang tatlong ‘legal wives’ na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Ang hinihintay daw nila ay kung magsasalita na si Andrea Torres tungkol sa breakup nila ni Derek Ramsay at ang pagkaka-cancel ng project na dapat ay gagawin nila, ang action series na Sanggang Dikit.

Since November 2020 na nag-break sina Andrea at Derek, nanatiling tikom ang bibig ni Andrea at wala ka ring mababasa sa kanyang social media accounts, maliban sa sexy photos niya.  At nag-lock-in taping na nga sila ng Legal Wives kaya lalong walang narinig mula kay Andrea.

Very soon ay mapapanood na ang Legal Wives na dinirek ni Zig Dulay, ang director din ng cultural drama na Sahaya.

MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with