Willie, hinihingal sa pamimigay ng papremyo

Tawa ako nang tawa dahil talagang parang pagod na pagod si Willie Revillame sa kabibigay ng premyo sa Tutok to Win.

Cute rin ‘yung pagsali kung minsan ni Sam Versoza dahil parang casual na casual lang ang ginagawa nila. Very energetic si Sam, ‘pag kasama ni Willie, mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa.

Si Willie naman, kahit pa nga pagod na, ok lang dahil talagang ito ang buhay niya, ang Wowowin, talagang buong araw ito ang nasa isip niya dahil hands on ang participation niya sa lahat, technical, manual, performance, one man army diyan si Willie.

Hay naku, kesehodang mapagod siya, basta masaya siya, ok lang, Tutok to Win na, bigyan na nga ng jacket iyan!!! 

Happiness is a choice…

Saan ko ba napanood iyon, na sinabi ng bida na “I don’t have everything, but I have enough” dahil minamata siya ng mga in-law niya? Sure ako sa isang Korean serye na bida si Jo In-sung. Iyon kasi ang point niya sa istorya, hindi kailangang masyado kang ambisyoso, masyadong mataas ang dream o kaya, parang hinahabol mo ang oras at araw para marating mo ang itaas. Sabi niya roon, mas gusto niyang i-enjoy ang buhay at oras niya, savoring and enjoying memories, hindi ‘yung dahil sa paghahabol para umangat ang buhay at magtagumpay, nalilimutan mo to smell the flowers, and taste the beauty of life. Your happiness is your choice, what will make you happy, ikaw lang ang dapat magpasya at magdesisyon.

You set your standard, puwede na ang dream mo ay materyal, pero puwede ring tulad ni Do San sa K-drama na Start Up na ang dream niya, tao, ‘yung mahal niya, iyon ang gusto niyang makuha.

Iba-iba ang tao, iba-iba rin ang gusto natin. Totoo na money is the ultimate wish dahil ito naman ang talagang kailangan mo sa buhay, pero puwede na ito rin ang dahilan kung bakit hindi mo totally ma-enjoy ang buhay.

Aim high, pero be practical. Kasi if your dream is too high, baka nga mapagod ka sa pag-akyat. Basta meron kang sapat, hindi mo kailangang kunin lahat. 

Show comments