^

Pang Movies

Sheryl, laging high blood

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Sheryl, laging high blood
Sheryl

May mga nagtatanong kung hindi raw ba napapagod si Sheryl Cruz sa araw-araw niyang pagsigaw at pagha-high blood sa mga eksenang ginagampanan niya sa seryeng Magkaagaw.

Kung noong araw ay pa-tweetums lang lagi si Sheryl katambal si Romnick Sarmenta, ngayon ay mistulang uhaw na uhaw sa pag-ibig ni Jeric Gonzales ang karakter nito.

Ilang beteranang aktres na ganun ang ginampanang karakter ang nagsabing nagiging sanhi rin daw ng high blood ang mga ganung klaseng eksena kaya dapat daw pagkatapos gawin ang mga ganung eksena ay mag-relax na at balik na uli sa normal.

Puwedeng sabihing sina Sheryl at Sunshine Dizon ang nagbibigay ng lakas sa serye para panoorin at kapansin-pansing magaling ding umarte si Klea Pineda.

Ang sabi nga ng ilang nakakapanood ay sana raw mabawasan ang sobrang sigawan sa serye dahil nakakarindi rin lalo na kung araw-araw na ganun ang mga eksena.

Anak ni Waray… hindi the who ang mga artista

Magaling umarte si Kate Valdez at hindi siya papayag na matalbugan ni Barbie Forteza sa seryeng Anak Ni Waray vs Anak ni Biday. Nag-aagawan ang dalawa sa pag-ibig ng karakter ni Migo Adecer.

Maraming followers ang naturang serye dahil mabibigat ang casting tulad nina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Celia Rodriguez, Jean Saburit at Jay Manalo.

Iba rin talaga kapag sikat ang mga gumaganap dahil kilala ang mga ito ng mga manonood, hindi kagaya na ‘pag baguhan ang mga bida ay todo tanong ang mga manonood sa pangalan ng mga ito.

Husay ni William Lorenzo hindi kataka-taka

Lumulutang ang akting nina Coney Reyes, Rhian Ramos, Carla Abellana at Mikael Daez sa Love Of My Life. May naalala kaming American TV series na Falcon Crest kung saan mga bigating stars din ang gumaganap at mga mayaya­mang tao ang involved sa istorya.

Hindi rin nagpatalbog si William Lorenzo bilang tatay ni Rhian Ramos bagama’t pinapahiya niya ang anak na karakter ni Rhian sa harap ng milyonaryang ina ng naging boyfriend nito na ginampanan ni Tom Rodriguez. Maraming nakapansin na agaw-eksena ang acting ni William. Hindi ito dapat pagtakahan dahil naging alaga siya ni late Lino Brocka.

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with