Liza napa-react sa Tililing - ‘Mental health is not a joke’

Liza

Sinagot ni director Daryl Yap, director ng Viva Films movie na Tililing ang reaction ni Liza Soberano sa poster ng movie. Na-tweet ni Liza na “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Sagot ni director Daryl kay Liza: “Sa iyo Miss Liza Soberano,

“Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming­ pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang.

“HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.

“Ang aking mga artista sa pelikulang ito ay nagdaan sa mga pagsubok na nagpatatag din sa kanilang kalusugang pangkaisipan, sigurado kaming hindi nila tatanggapin ang isang proyektong ikapapahamak ng kanilang prinsipyo at pagkatao; Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang director.

“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula.

“Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasya.

Maraming Salamat po.”

Sumang-ayon ang netizens sa sinabi ni Liza at comment ng isa, pinagmukhang katatawanan ang issue ng mental health sa poster at sa title. May nag-suggest naman na bakit hindi na lang mag-produce ng movie tungkol sa mental health awareness at makipag-tie-up kay director Sigrid Andrea Bernardo. Gamitin daw niyang title ang Stop The Stigma.

May dumepensa naman sa poster at nakiusap na ‘wag munang husgahan ang poster hangga’t hindi pa naipalalabas ang movie this 2021.

Bida sa Tililing sina Gina Pareño, Baron Geisler at Candy Pangilinan kasama sina Donnalyn Bartolome, Chad Kinis at Yumi Lacsamana. Lahat sila, nakalabas ang dila sa poster at iba-iba.

Kris, gusto pa ring mag-asawa

Sa Because Q&A ni Kris Aquino sa Instagram, may nangumusta sa love life ni Kris at sabi nito, “ because i’ve learned-for as long as he gets bimb’s okay then i can take the risk- but unless  we’re married, he will NEVER appear in any of my posts. Because deserve na namin ang patibayin ang samahan bago ko sya ipakilala sa inyo. Lessons learned the hard way.”

Nag-disagree si Kris sa comment na hindi siya suwerte sa pag-ibig. “I disagree because nakajackpot ako, may kuya josh & may bimb. Sila ang minalas kasi hindi sila naging part ng pagpapalaki nung dalawang napaka lovable na higante ko.”

Kasunod nito, sabi ni Kris, may plano pa rin siyang mag-asawa dahil gusto niyang may kakuwentuhan, kakulitan at kakampi. “And ready na si bimb... most of all ready na ko to give all of this up if he wants a quiet & peaceful life. Gusto ko pa because I still believe in love... pero tanggap ko no man wants to be Mr. Kris Aquino.”

But as of now, single siya dahil takot na siyang magmahal at magtiwala uli. Sa Tarlac na raw niya balak mag-retire someday. “Kasi si bimb ikakasal-it will just be kuya  josh & me. He’s happy there. So kung saan sya happy-dun kami.”

Show comments