Phytos at Cherry Lou, papakasal!

Phytos at Cherry

Super in love ang Kapuso hunk na si Phytos Ramirez sa Kapamilya actress na si Cherry Lou.

Si Cherry Lou ay dating misis ng kapatid ni Carlos Agassi na si Michael Agassi at tatlo ang anak nila. Naghiwalay sila noong 2019.

Pero hindi raw iyon magi­ging hadlang sa pag-iibigan nina Phytos at Cherry Lou ngayon.

Sa IG post ni Phytos: “I date to marry. Not to date for one or three years and breakup. I’m willing to fight for anything to keep the relationship going.”

Thirteen years ang agwat ng edad nina Phytos at Cherry Lou. 25 si Phytos at 38 si Cherry Lou. Una raw silang nagkakilala sa teleserye na Mula sa Puso ng ABS-CBN in 2010.

September 2020 noong magkaroon ng relasyon ang dalawa. Noong nasa lock-in taping for 15 days si Phytos para sa The Lost Recipe, panay ang video call nila sa isa’t isa. Post ni Cherry Lou: “Welcome back to the real world namiss kita. Thanks for doing this every night. Thank you for deciding that I am the person that u put all ur effort and energy into. thank you for always giving everything u got into us ..I love you”

Kanye, hinakot na ang mga gamit sa mansyon nila ni Kim

Nagsisimula na ang divorce proceedings nina Kanye West at Kim Kardashian. Sa latest update, hinakot na ni Kanye ang kanyang belongings mula sa kanilang mansyon sa Hidden Hills, Calabasas.

Kasama sa mga hinakot ng estranged husband ni Kim ay ilang furnitures, pain­tings, clothes at higit sa 500 pairs of rubber shoes!

Ginawa raw ni Kanye ang paghakot habang nagbabakasyon si Kim at ang mga anak nila sa Turks and Caicos. “They both felt it would be less dramatic without both of them in the house,” ayon sa source ng Page Six.

Noong January 5, 2021 lumabas sa media na hiwalay na sina Kim and Kanye. Sinubukan raw nilang magpa-marriage counselling, pero ramdam na nila na ayaw na nila sa isa’t isa.

Hindi na kayang sakyan ni Kim ang mental issues ni Kanye tulad ng pagsabi nito sa media na gusto niyang ipa-abort ang unang anak nila na si North.

Si Kanye naman ay ayaw nang makisama sa pamilya ni Kim, lalo na sa ina nitong si Kris Jenner na gusto siyang ipasok sa isang rehab facility.

Show comments