Barbie, galit na galit din sa kumalat na hubad na katawan

Barbie

Si Barbie Imperial ang latest victim ng edited na litrato na kung saan, ‘yung photo niyang nakasuot ng two-piece yellow green swimsuit, hinubaran sa edited photo.

“Reposting this photo because people are messa­ging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this? Sa lahat ng nagse share nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagba bash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG. Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak? Itigil nyo na, wala kayong ambag.”

Isa sa nag-comment sa post ni Barbie ay si Sue Ramirez na naging biktima rin ng edited photo. Sabi nito, “Yakap, bie.” Mas grabe itong edited photo ni Barbie dahil whole body niya ang hinubaran. Itong kina Sue at Maris Racal, chest area nila ang naka-expose.

Sana nga mahuli na ang mga nasa likod ng pambababoy kina Sue at ngayon kay Barbie at tiyak na masusundan pa. Wala pang reaction si Diego Loyzaga sa pambabastos na ginawa sa kanyang girlfriend.

Andrea, suwerte raw na nakawala kay Derek

Sabi ng isang hindi pabor, bagay sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na isang playboy at playgirl na agad sinopla ng isang shipper ng dalawa. Pareho raw single sina Derek at Ellen at walang masama kung magkainlaban man sila.

Hirit pa ng fan ni Andrea Torres, good for her na nawala sa buhay niya si Derek dahil hindi raw nasuklian ni Derek ang pagmamahal at pag-aalagang ginawa ni Andrea sa kanya.

KMJS, trending na rin sa TikTok 

Ang lakas ni Jessica Soho at ng kanyang Sunday show na Kapuso Mo, Jessica Soho dahil kapo-post lang ng first video nito, may over 1-M views na agad ito in less than 24 hours.

Madadagdagan pa ang subscribers sa TikTok ng KMJS kapag na-upload pa ang ibang episode ng KMJS na alam nating marami ang nanonood. Lagi rin itong trending sa Twitter every Sunday.

Ang KMJS na lang ang show ni Jessica sa GMA Network dahil nag-resign na siya sa Stand for Truth at ayaw na raw mapagod at ma-stress nang husto. Kaya mabibigyan niya ng focus ang KMJS.

Kristoffer at Liezel, kinantyawan 

Magkasamang nag-promote ng Babawiin Ko ang Lahat sa All-Out Sundays last Sunday sina Kristoffer Martin at Liezel Lopez na natsitsismis na bagong couple sa showbiz ngayon. Nag-react ang fans nang makita ang dalawa na nagsasayaw kasama ang isa sa mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime ng GMA 7 na pilot sa February 22 at papalit sa Prima Donnas.

Mabuti at walang presscon ang Babawiin Ko ang Lahat dahil nga sa COVID-19 pandemic, hindi makukulit ng press sina Kristoffer at Liezel sa relasyon nila na nagsimula sa taping ng drama series.

Show comments