^

Brightlight nalugi sa SNL

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

Papalitan ng musical variety show na ASAP Natin ‘To ang  Sunday Noontime Live (SNL) na nagtapos na last January 17.

Short-lived lang ang SNL sa TV5 na produced ng Brightlight Productions. Ilan sa mainstays ng programa ay sina Piolo Pascual, Catriona Gray at Maja Salvador.

Bale collaboration ng Cignal TV, Brightlight at ABS-CBN ang pagbabalik ng ASAP sa free TV pero sa iba nang tahanan.

Ayon sa lumabas na interview kay Johnny Manahan na director ng SNL, shocked din siya sa pagsibak ng SNL

Eh ika nga, show business is business kaya naman hindi masisisi ang Brightlight kung makipag-tie up ito sa Channel 2 na wala nang prangkisa.

Lugi kaya kailangang gumawa ng hakbang upang makabawi sa perang nawala. Tutal naman, hindi lang ang SNL ang nagbabu na sa ere.

Sa totoo lang, wala namang problema sa mainstays ng SNL. Kayo na ang bahalang mag-isip kung ano ang problema sa TV5, huh!

Sunshine, lumarga na sa pagdidirek

Pahinga muna ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa pag-arte. Gusto niyang matupad ang pangarap niyang maging director.

Lumarga na si Shine bilang second unit director sa isang project. Pinasilip niya sa kanyang Instagram ang behind the scenes ng pagiging second unit director niya kay Mark Reyes sa proyekto sa ilalim ng kanilang production company.

Bukod sa pagiging second unit director, pinapapelan din ng Magkaagaw series actress ang pagiging supervising producer at line producer ng project. “It’s really my dream to be a director, so once a window opens bakit ba hindi?” saad ni Sunshine sa interview niya sa 24 Oras.

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with