^

Alden, Abala na naman

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

Back to work at busy na muli si Alden Richards, matapos mai-showing sa GMA 7, ang very successful at nag-trending na number 1 sa Twitter ang Alden’s Reality, A TV Special.

Katatapos lamang ni Alden kahapon ng digital shoot ng nag-renew niyang wine commercial. At naghahanda na rin siya sa pagbabalik ng musical singing contest na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kids. Si Alden ang host nito with Betong Sumaya at ang judges naman ay sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.

Ayon sa teaser ng programa, nakatakda itong ibalik next month, February, sa GMA 7.  Sa February din daw ang simula ng shooting nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.

Kris, inaayos na ang kasal

Next year pa raw ang wedding ni Kris Bernal sa fiancé niyang si Chef Perry Choi pero nag-share na siya sa kanyang Instagram na nagpi-prepare na siya for their wedding. “Wedding Suppliers Checklist.  Since you are part of my life and you are part of my journey I’ll share with you one of my most anticipated lifetime event preparations: My wedding with Perry. Here’s the very first day of our meeting with our events coordinator, @kathrynkimtorres @kimtorresevents.  Please recommend suppliers for us! Thank you.”

Dapat ay this year magpapakasal sina Kris at Perry, habang ipinatatayo na nila ang bago nilang bahay, pero dahil sa umiiral na pandemic, hindi muna nila itinuloy, pero tuloy ang construction ng bago nilang bahay.

Willie, may pasabog 

Sa Wednesday ang 60th birthday celebration ni Wowowin host Willie Revillame kaya naman bongga ang mga inihanda niyang papremyo sa kanyang programa. Mamimigay siya ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot bilang pasasalamat niya sa lahat ng Kapuso viewers na patuloy na tumatangkilik sa kanyang programa.

Napapanood ang Wowowin Mondays to Fridays at 5:00 – 6:30 p.m. sa GMA 7, pagkatapos ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

ALDEN RICHARDS KRIS BERNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with