^

Sen. Manny, humindi sa mga manliligaw ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

Ang sagot ni Sen. Manny Pacquiao na “Hindi” sa paalam ng netizen kung puwede niyang ligawan ang panganay nilang anak na babae ni Jinkee. Hahaha! Ang sagot na ‘yun ni Manny ay hindi lang para sa netizen na nagpaalam, pati na rin sa iba pang boys na gustong manligaw sa mga anak na babae nina Sen. Manny at Jinkee.

Pero ang mga anak na lalaki nina Manny at Jinkee, puwedeng manligaw at mag-GF at si Jimuel may karelasyon na.

Raffy ayaw isiping milyun-milyon ang followers

Siguradong walang kokontra sa sasabihin naming isa sa pinakasikat na celebrity sa bansa si Raffy Tulfo at patunay dito ang more than 18.3-M subscribers niya sa YouTube. Hindi pa kasama rito ang 14-M followers niya sa Facebook at 1.2-M followers sa Instagram.

Pero sabi ni Raffy sa Zoom presscon para sa bago niyang show sa TV5 na Wanted: Ang Serye, ayaw niyang ilagay sa ulo niya ang dami ng kanyang followers dahil ayaw niyang lumaki ang ulo niya. “Hindi ko naiisip ang dami ng followers at subscribers ko. I’m still the same Raffy Tulfo. Once kasi na naisip ko na may 18.3-M followers ako, baka lumaki ang ulo ko. It never crosses my mind. I will always be the same Raffy Tulfo, walang pagbabago sa akin,” sabi nito.

Second episode pa lang sa Saturday ang mapapanood sa Wanted..., pero may nag-comment na makakalaban niya ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio na muli, ayaw tanggapin ni Raffy.

Actually, iba nga ang tapang ng Wanted... na ang story ay galing sa mga reklamo na natanggap niya sa radio/TV show niyang Wanted sa Radyo. Pinag-usapan ang pilot episode na tungkol sa magkapatid na nagkarelasyon at ang

episode sa Saturday na Ex Na Transgender ay galing sa reklamo ng isang lesbian na nakarelasyon ang isang transgender at sinasaktan pa siya.

Mark, sumipag sa anak

Nakakatuwa ang comment ni Mark Herras sa post ng girlfriend niyang si Nicole Donesa na “9 months preparing to fall in love for a lifetime” dahil sabi ni Mark, “ilabas mo na po yung anak ko.”

Obvious na excited na si Mark na makita at makarga ang isisilang ni Nicole na kanilang baby boy na this January na naka-schedule manganak.

Speaking of Mark, mukhang malaking motivation ang pagsisilang ni Nicole ng kanilang baby dahil masipag ito ngayong mag-guest sa shows ng GMA 7. Naggi-guest siya sa Eat Bulaga, All-Out Sundays at pati na sa Magpakailanman. 

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with