Alex at Mikee, nagpa­pagawa pa ng lilipatan

Habang nire-remodel pa ang bahay na lilipatan ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na wedding gift sa kanila ng parents ni Mikee, mananatili muna sila sa Gonzaga house in Taytay.

Oras na makalipat na ang bagong mag-asawa sa kanilang bahay, tiyak na malulungkot ang parents nina Toni at Alex na sina Carlito `Bonoy’ at Crisanta `Pinty’ Gonzaga dahil sila na lamang ang maiiwan sa kanilang malaking bahay.

Pero ang ikinatutuwa ng mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng bagong karagdagang dalawang anak na lalake sa kanilang pamilya, sina Paul Soriano, asawa ni Toni at Mikee na parehong mabait, God-fearing and responsible. 

SNL at Sunday Kada, isang season lang

Ano kaya  ang pakiramdam ngayon nina Piolo Pascual, Maja Salvador at Catriona Gray sa maagang pagtatapos sa ere ng kanilang Sunday musical show, ang Sunday Noontime Live gayundin ang dating head ng Star Magic at longtime director ng ASAP Natin `To na si Johnny Manahan maging ang Sunday gag show na Sunday Kada kung saan mga tampok na bituin sina Ritz Azul, Daniel Matsunaga, Jason Gainza, Wacky Kiray, Miles Ocampo, Sunshine Garcia, Jhen Maloles at iba pa na dinirek ng veteran sitcom creator and director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Three months or one season lamang tumagal sa ere ang dalawang nabanggit na programa na nagsimula noong October 18, 2020 at nagtapos kahapon.

Ang Sunday Noontime Live at Sunday Kada ay dalawa sa ilang programa na produced ng new TV producer, ang businessman na si Albee Benitez na kung totoo ang balita ay gumasta na umano ng mahigit P500M sa kanyang TV production. Nagpaalam na rin sa ere last January 10 ang TV drama series na I Got You kung saan naman tampok na mga bituin sina Beauty Gonzalez at RK Bagatsing mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

Gayunpaman,  mananatili pa umano sa ere ang ibang Brightlight Productions programs on TV5 tulad ng Rated Korina ni Korina Sanchez, ang weekly sitcom na Oh My Dad at ang noontime show Lunch Out Loud (LOL).

Ang Brightlight Productions din ang nag-produce ng pelikulang Magikland na ginastusan ng halos P200-M at naging kalahok sa recently concluded 2020 Metro Manila Film Festival na ginawang online for the very first time dahil sarado pa ang mga sinehan dahil sa pandemya.

Show comments