^

Jason , palalakihin ang mga anak nila ni Vicki sa maraming halaman at hayop

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Ang sweet lang ng beauty queen girlfriend ni Jason Abalos na si Vicki Rushton dahil sa pinost nitong birthday message sa Instagram noong nakaraang January 14. “Baba” ang term of endearment nila Jason at Vicki sa isa’t isa.

“To the most selfless person I know, to the person who have touched so many lives (including mine) in sooo many ways, to the person who randomly stops and gets out of the car to help, to the person who does all the weird stuff just to make me laugh, to my Baba, HAPPY HAPPY BIRTHDAAAAAY! ♥? I miss you and I love you.”

Nag-reply agad si Jason ng: “Thank you baba. Miss na din kita. I love you.”

Turning 11 years na ang relasyon ni Jason kay Vicki. 2010 noong una silang nagkakilala sa isang event in Bacolod.

 Nakaplano na raw ang pagtira nilang dalawa sa Nueva Ecija kung saan magpapagawa ng bahay si Jason.

“Meron kasi kami doon na gusto kong ipa-develop na pamana ng lolo ko. So sabi ko mas maganda ‘kako na ating bahay nasa nature. Mas maganda dito papalakihin mga anak natin na sanay sa alagang hayop, sanay sa halaman,” sey ni Jason.

99 Years old Hollywood star, iningatan

Ngayong January 17, ang 99th birthday ng only surviving star ng The Golden Girls na si Betty White. Nitong COVID-19 pandemic, iningatan ang Hollywood icon ng mga nag-aalaga sa kanya. Nasa kuwarto lang daw ito ng kanyang bahay pero nagiging productive pa rin daw ito sa ilang at-home activities.

“Betty is in good health and spirits. She would like to interact with her friends but couldn’t due to social distancing guidelines. She does occupy her time with plenty of other safe activities. Crossword puzzles are no match for Betty. She reads a number of newspapers, watches select television and gets a lot of exercise in her home walking up and down bedroom stairs,” sey ng rep ng aktres.

Sa mga nakaka-miss kay Betty, ilalabas sa ilang digital platforms and DVD ang kanyang show noong early ‘70s na The Pet Set. Lalabas ito on February 23, 2021, in honor of its 50th anniversary.

Hindi raw natuloy ang paggawa ni Betty ng Christmas movie for Lifetime noong May 2020 dahil sa pandemic.

Last public appearance ni Betty ay noong September 2018 sa 70th Primetime Emmy Awards.

JASON ABALOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with