^

Janice umaapaw ang imbak na pagkain sa bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

Maganda ang sagot ni Janice de Belen sa netizen na nagtanong ng “what happen to the rest of your legs ups I forgot your short no offense.” Sagot ni Janice, “ I am short i know but did you really have to say it?” at “I don’t think i ever insinuated that my legs are long. Where do you need honesty there? You say no offense when the main goal of your comment is to criticize... hmmm...”

Nag-post kasi si Janice ng nakataas niyang legs na sabi nito, “Raising my legs for blood circulation” at doon siya na-bash ng netizen na bored siguro at walang magawa.

Eh, salbahe ang isang follower ni Janice, ini-stalk ang IG account ng basher at  nakitang hindi kagandahan ang legs at complexion nito, kaya nagsumbong kay Janice. Sabi nito, nakita niya ang legs ng basher at mas pipiliin pa rin daw niya ang legs ni Janice. Pati tuloy kami, ini-stalk ang IG account ng basher at tama ang follower ng aktres, wala siyang karapatang i-criticize ang legs ni Janice.

Samantala, kakaiba ang pa-tour ni Janice dahil hindi house tour, kundi Kitchen Tour ng kanyang bahay ang ginawa. Maiinggit ang mga mommy sa kitchen ni Janice dahil maayos, malaki at kumpleto ng gamit sa pagluluto at pagbe-bake. May coffee area corner pa siya na kumpleto rin ng gamit sa paggawa ng kape.

Ang dami ring ref sa kitchen ni Janice at ang isang ref ay para lang sa dairy product. Sayang at hindi nito binuksan ang ibang ref para makita kung ano ang mga laman.

Nakakainggit din ang pantry ni Janice, punung-puno at parang pantry ng restaurant at para kang nasa grocery store sa rami ng laman. Hindi magugutom ang mga anak ni Janice sa kanyang kitchen. Ipinakita rin ni Janice ang kanyang tasa collection, cooking ware collection at kumpletong kitchen utensils.

Sino pa kayang celebrity ang magpapa-Kitchen Tour, enjoy siyang panoorin.

Derrick, may pinyahan na

Makiki-congratulate na rin kami kay Derrick Monasterio dahil sa property niya sa Tagaytay City. Simple lang ang caption ni Derrick sa posted photos na ang isa, nasa gitna siya ng pinyahan at ang isa, nasa gitna na vacant lot.

May pinost din si Derrick na emoji ng house na ibig sabihin, magpapatayo siya ng bahay sa vacant lot. Iyong isang emoji, hindi malinaw, pero batay sa mga comment, mukhang pinyahan nga ang isa sa property ni Derrick at may mga nagyayaya na ngang magpapinya naman siya.

Marunong humawak ng pera si Derrick at nakaipon para sa dalawang properties na mahal dahil sa Tagaytay. Hintayin natin ang pagpapatayo niya ng bahay at makakatulong para sa kanyang ipon ang talent fee na tatanggapin sa Legal Wives at sa game show na Catch Me Out na ang dinig namin ay February 6 na ang pilot.

Hindi pa nasasabi kung ano ang role ni Derrick sa Legal Wives, pero sa Catch Me Out, isa siya sa host kasama sina Kakai Bautista at Jose Manalo.

JANICE DE BELEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with