Voltes V ng Kapuso, handa na

Maraming natuwa at na-excite nang biglang maglabas ang GMA Network ng official Voltes V teaser. Post pa nila sa Facebook: “#VoltesVLegacy: Brace yourselves for the Boazanian invasion ang LET’S VOLT IN!”

Tatahi-tahimik lamang si Director Mark Reyes sa pinakamalaking project na mapapanood ngayong 2021 sa Kapuso Network pero nakagawa na pala siya ng teaser nito.

Noon kasing tinanong siya kung sinu-sino among the Kapuso stars ang bubuo sa cast ng Voltes V, ma­tipid lamang niyang sagot ay “nagpapa-audition pa kami” although ipinakikita na niya ang preparations na ginagawa niya at ng kanyang team.

Kaya wait na lamang tayo ng susunod na announcement ng GMA kung kailan talaga mapapanood ang Voltes V at kung sinu-sino ang bubuo sa cast nito.

Andrea, kinondisyon ang sarili

Trending sa social media ang pagdi-display ni Kapuso actress Andrea Torres ng kanyang toned abs sa kanyang Instagram last January 13.  Isang sun emoji lamang ang caption ni Andrea sa photo pero hindi napigilang mag-comment ng friends niya. Sabi ni Sanya Lopez, “Ang hot mo partner.” Si Marco Alcaraz, “kondisyon,” with three fire and a muscle emojis. Si Chynna Ortaleza, “Pahinga naman sa abs.”

Nagagawa naman ni Andrea na ikondisyon ang sarili niya, kahit naka-lock-in taping sila ng cast ng Legal Wives, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Mas may oras kasi siya kung hindi siya kasamang kinukunan sa eksena.

Mylene, hindi pa mayakap ang pamilya

Ngayong tapos na ang lock-in taping ni Mylene Dizon at cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa isang resort-hotel sa San Mateo, Rizal, naikuwento niya sa isang interview na may advantage at disadvantage din naman ang ganitong procedure. “Ang advantage sa akin, hindi na ako bibiyahe every other day mula sa bahay ko sa Silang, Cavite to the location” sabi ni Mylene.“Since araw-araw ang taping namin, lagi kaming in character at nasusundan namin ang story. Naging mas closer din kami at parang nakakuha ako ng isang bagong pamilya.

“Iyon nga lamang, ilang araw kang malayo sa pamilya mo, na-miss ko ang dalawa kong anak, sina Tom at Lucas at ang partner ko (Jason Webb). Nang matapos na ang taping namin at nakabalik na ako sa bahay, hindi ko pa rin mayakap ang pamilya ko, dahil kailangan ko munang mag-quarantine bilang pagsunod sa health protocols.

“Pero okey din naman dahil bago ang lock-in taping, lahat naman tayo ay nag-enjoy makasama ang pamilya natin dahil lockdown tayo, walang trabaho at walang classes ang mga anak ko, sama-sama kami sa bahay, naipagluto ko sila ng pagkain.”

Kasalukuyan nang napapanood araw-araw sa GMA 7 ang mga fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit, 4:15 p.m. after Prima Donnas.

Show comments