^

Pang Movies

Zsa Zsa ‘bumawi’ kay Dolphy

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Zsa Zsa âbumawiâ kay Dolphy
Zsa Zsa

Naglinis at nagdala ng bulaklak si Zsa Zsa Padilla sa nitso ng King of Comedy Dolphy kahapon na nine years na palang pumanaw sa July.

Hindi raw kasi siya nakapaglagay ng flowers dito nung All Soul’s Day.

“For the first time in 8 years, I wasn’t able to put flowers on my Lovey’s tomb during “Araw ng Patay” and Christmas so since it’s Inday’s day off, cleaned together with my driver and ordered flowers from CAB. July will be his 9th death anniversary. Please say a little prayer for him.,” post ni Zsa Zsa kahapon.

Bukod sa ASAP at sa kanyang farm sa Quezon, certified vlogger si Ms. Zsa Zsa at  in all fairness, nagta-travel siya para rito.

Claudine, pinagda­rasal ng fans

Agad-agad nagpa-swab kahapon si Claudine Barretto at brother niyang si JJ matapos silang magka-fever ayon sa post ng actress kahapon. “Palanggas hello po. Covid Swab kami ng kuya ko bcoz pareho kami nagka fever yesterday.? jjbarretto.”

Habang sinusulat namin ito ay wala pang update si Claudine kung positive o negative ang resulta ng kanilang swab.

Pero praying and hoping ang fans ng actress na negative ito.

Sana nga ay negative dahil sasabak na raw ang aktres sa kanyang comeback movie na ididirek ni Joel Lamangan for Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Pero doble ingat ang kailangan ngayon dahil nakapasok na sa bansa ang new variant ng virus from UK. Ang taas din ng additional number of positive cases ng DOH kahapon.

Isa sa sintomas ng coronavirus ang fever.

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with