Mapapangasawa ni Ara, hindi basta-basta!

Alam mo, Salve A., hindi lamang basta-basta ang fiancé ng singer-actress-entrepreneur na si Ara Mina, ang non-showbiz guy  na si Dave Almari­nez kung ang educational background at status nito ang pag-uusapan.

Si Dave ay kasalukuyang President-CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na may rank na undersecretary. Ito’y nagtapos ng AB-Political Science sa Far Eastern University, took his Master in Public Safety sa Philippine Safety College, Master in Science Global Finance sa HKUST at New York Stern School of Business at ng Global Strategic Management sa Harvard Business School.

Naging top executive rin siya sa iba’t ibang kumpanya tulad ng Youngevity International, Inc., Jeunese Global, Orgamo at ngayon sa Philippine International Tra­ding Corporation. Tumakbo rin siya ng isang term bilang isa sa mga Board Members (topnotcher) sa Laguna.

Ara who is a single mom to a six-year-old daughter na si Amanda Gabrielle (courtesy of politician from Bulakan, Bulacan Patrick Meneses), admits na si Dave umano ang kasagutan sa kanyang mga dasal.

Speaking of Ara, isa siya sa mga tampok na bituin sa sex-comedy movie na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar kung saan niya mga kasama ang iba pang sex goddess sa kanilang sariling heneras­yon na sina Alma Moreno, Rosanna Roces at Maui taylor kasama ang mga bagong sibol na sexy actresses na sina AJ Raval (anak ng dating action prince na si Jeric Raval), Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng writer-director at top vlogger na si Daryl Yap na siya ring nagdirek ng hit launching movie ni Kim Molina in 2019, ang Jowable under Viva Films.

Ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na humamig ng mahigit 7-M views sa trailer pa lamang nito ay siyang kauna-unahang pelikula na mapapanood sa Vivamax streaming platform which will be launched sa darating na January 29.

Jeric, walang alam sa pagpapaseksi ng anak

Inamin ng young sexy star in the making na si AJ Raval na hindi umano siya nagpaalam sa kanyang amang actor na si Jeric Raval na siya’y magpapaseksi sa pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar dahil malamang na hindi umano ito pumayag.

“Nasa tamang edad naman po ako to decide at gustung-gusto ko po itong project,” paliwanag niya. “Once in a life time po ‘yung pagkakataon na ganito na makasama mo ang mga sexy icon,” dugtong pa ni AJ.

Feng Shui master, nursing board passer

Bibihira ang nakakaalam na ang kilalang Feng Shui master na si Master Hanz Cua na isa itong registered nurse (board passer) at nagtapos din ng Computer ­Science bago siya nag-concentrate sa pagiging isang Feng Shui consultant. Ginawa rin nito ang face and palm reading, astrology at tarot reading na kanyang inaral sa iba’t ibang bansa tulad ng America, Singapore, Malaysia, Taiwan at China.

Born to pure Chinese parents in the Philippines, minana ni Master Hanz ang kanyang talent sa Feng Shui sa kanyang ama.

Hindi rin ikinakaila ni Master Hanz na isa umano siya sa nalungkot sa pagkakawala ng prangkisa ng ABS-CBN na ngayon ay umaasa na ito’y magbabalik in no time at all.

Show comments