^

Goma hindi na rin naghintay sa ayuda ng gobyerno para sa vaccine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

Kahit hindi taga-Ormoc City, natuwa, pinuri at kinongratulate si Mayor Richard Gomez dahil napirmahan na ang kontrata ng siyudad sa Astra Zenica para sa binibiling vaccine. Virtual ang pagpirma ni Richard ng kontrata para sa kanyang constituents.  “The contract for Astra Zenica had to be esigned right away (even if it is a Sunday) for the purchase of some 270,000 doses of vaccine for the residents of Ormoc City. We are hoping to roll out the inoculation here as soon as possible.”

Nauna rito, nabanggit ni Richard ang pagkaka-apruba ng The Ormoc City Covid-19 Task Force or Orcovac ng P350-M proposed budget for the purchase of vaccine para sa mga resident eng Ormoc City. Hindi na naghintay si Richard ng  ayuda from the national government, kumilos na siya at ang mga namumuno sa Ormoc City at ang Orcovac para makabili ng vaccine. Hindi ito mahirap sa Ormoc dahil nabasa naming  ang Ormoc ang pinakamayamang  siyudad sa Region 8.

Kaya, hanga ang marami kay Richard dahil ang sipag at kumikilos. May mga nagpahayag tuloy na gusto nilang lumipat sa Ormoc City, kaya lang mga kuya at ate, hindi na kayo kasali sa census, hindi kayo kasama sa mga taga-Ormoc na ma-i-injectionan.

And speaking of Richard, panalo ang cooking show niyang Goma at Home sa kanyang mga niluluto at pati nga polvoron, itinuro niya kung paano gawin. Pati polvoron wrapper, siya na rin ang gumawa. Visit his YouTube channel and enjoy!

Andre, pagsasabayin ang paglalaro sa PBA at pagho-host

 Nagtatanong ang netizens kung iiwan na ba ni Andre Paras ang showbiz dahil ito sa balitang nag-apply siya sa PBA Rookie Draft. Personal pa raw dinala ni Andre ang kanyang application sa office ng PBA sa Libis.

Kahit pala nasa showbis na siguro naman nag-i-enjoy siya at kumikita, hindi pa rin nawala sa isip at puso ni Andre ang basketball. Gusto pa rin niyang sundan ang footsteps ng ama niyang si Benjie Paras at ang kapatid na si Kobe Paras.

Matatandaang basketball player sa La Salle Greenhills si Andre pati sa San Beda kung saan siya nag-enroll ng college. Naglaro rin siya sa PBA D-League sa team ng AMA Online Education.

Pero ang alam namin, may kontrata pa rin si Andre sa GMA Artist Center at baka nga pati sa Viva Films. Saka, may gagawin siyang show sa GMA News TV, sila ni Sef Cadayona ang hosts ng Game of the Gens na isang game show yata to be directed by Rico Gutierrez.

Pagsasabayin yata ni Andre ang basketball at showbiz at kaya naman yata niya, kaya go!  

Julia, bumigay na sa relasyon nila ni Gerald

Ang paniwala ng mga nakapanood ng TikTok Challenge ni Julia Barretto kasama ang ilang kaibigan, kinumpirma na talaga nito ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

Isang tanong sa challenge ay kung single or taken siya? Sa Taken luminya si Julia. Sa tanong kung Afam or Pinoy ang dyowa niya? “Afam” ang pinili ni Julia at alam nating Fil-Am si Gerald.

Sa tanong pa kung younger o older ang dyowa niya? Ang “older” ang pinili ni Julia dahil tama namang mas older sa kanya si Gerald.

Kaya excited na ang fans sa pagdating ng araw na aaminin na nina Julia ang kanilang relasyon para hindi na raw sila mahirapang magtago halimbawang lumalabas sila.

‘Wag daw mag-alala sina Julia at Gerald dahil kung may kontra sa kanilang relasyon, mas marami ang natutuwa at kinikilig. They make a lovely couple raw at gusto nila silang makita na magkasama in public.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with