Bianca, feeling blessed at excited kahit pangatlong asawa ang gagawin

MANILA, Philippines — Marami na ang nakaabang sa cultural drama series na handog ng GMA Entertainment Group ngayong 2021, ang Legal Wives. Bukod sa nakakapanabik na kuwento, bigatin din ang cast na magbibigay-buhay sa iba’t-ibang karakter dito kaya naman hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Bianca Umali na mapili bilang isa sa mga bida.

Gaganap siya bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ishmael na gagampanan naman ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Sa nakaraan niyang interview sa Unang Hirit, ibinahagi ni Bianca na itinuturing niyang blessing ang proyektong ito, “Hindi ko po alam kung ano ang mafi-feel. Kasi parang napakaganda po nung role, napakalaki ng proyekto, and ‘yung makatambal si kuya Dennis na isang beteranong aktor is a blessing for me, and I’m excited to start the experience.”

Show comments