^
Angeline naghandog ng kanta para sa Mahal na Nazareno
Angeline

Angeline naghandog ng kanta para sa Mahal na Nazareno

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 10, 2021 - 12:00am

Natupad daw lahat ng taunang ritual na kanyang ginagawa tuwing Kapitstahan ng Mahal na Nazareno, except nga raw ‘yong pag-akyat sa Andas, kasama ng maraming Deboto, ani Angeline Quinto.

Na-minana rin daw niya sa kanyang Mommy Bob, who died last year.

On that day of the Black Nazareno’s fiesta, Angeline guested sa programang The Last Word ni Rico Hizon sa CNN.

Pinagbigyan niya ang hiling ng host na umawit ng isang awitin for the Black Nazarene, na walang accompaniment of whatever.

Since very familiar ang song, tiyak marami ang nakiawit kay Angeline kasama na kami.

Regine, walang kalaban sa Valentine

Maliban sa Valentine’s concert na nakatakdang idaos ni Regine Velasquez sa Araw ng Mga Puso mismo at my titulong Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert, marami ang eager malaman kung magkaka-Valentine concert din si Sarah Geronimo.

Ilang days na nga lang naman before Valentine’s day.

Of the Asia’s Songbird concert, it will have daw for stage director si Paolo Valenciano, with Raul Mitra as musical director.

Of Raul Mitra, kilalang composer, arranger, songwriter, musical director, pianist and keyboardist, well, just like Ogie Alcasid, Regine’s husband, his wife, Cacai Velasquez, ay younger sister ni Regine.

Raul’s dad, the late Senator Ramon Mitra, na kung hindi agad naman namatay ay baka naging mas prominent politician pa.

He became Speaker of the House.

Kris, 50 na sa Feb.

A birthday girl Kris Aquino will be on February 14. She will be 50.

Wala pang nakakatiyak kung ano ang plano ni Kris for her birthday, as she has not denied na nagiging quite sickly siya lately.

Ganunpaman, walang balak din daw si Kris to quit showbiz. Although, napapansin daw niya lately na lumalaki ang kanyang left eyeball.

Cornerstone Entertainment, Inc., owned by Erick Raymundo, is managing Kris’ showbiz career.

February 14 din ang birthday ni John Prats, now kilala both as an actor and concert director.

He will be 36.

Tatlo na bale ang anak nila ng asawang si Isabel Oli.

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with