^

Heart may digital billboard sa Times Square, NY

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 9, 2021 - 12:00am

Nasa Instagram stories ni Heart Evangelista ang “Woke up with my face in time square!” na ang tinutukoy ay ang nakataas niyang digital billboard sa Times Square sa New York. Sinundan ito ng tweet na “Waking up with my face in Time Square New York.”

Ang sabi, “the digital billboard was for her collaboration with la’s Threads by la Faraoni, a sustainable and ethical fashion brand that offers bags and minaudieres made by Filipino artisans. Their IG account explained that Heart was carrying their Panda Minaudiere. You guessed it. It was named after Panda Ongpauco-Escudero, Heart’s dog!”

Speaking of Heart, weekly series pala ang gagawin niyang I Left My Heart in Sorsogon, kaya hindi siya masyadong mapi-pressure, pati na rin ang production team.

Medyo challenging ang taping nito dahil bukod sa lock-in taping, kukunan pa sa Sorsogon. Excited na si Heart na simulan ang taping at excited na rin ang kanyang fans na muli siyang mapanood sa series lalo na sa ipinangako niyang mapapanood ang “with a lot of Chanel.”

KC guest kay Dingdong

Bagong gupit si Dingdong Dantes sa publicity photos niya na inilabas ng Beautederm Corporation kung saan, siya ang bagong brand ambassador. Siya ang endorser ng Cristaux Supreme Wrinkle Eraser Serum. First endorsement ito ni Dingdong for the year at makakasama na niya ang asawang si Marian Rivera na face naman ng Reverie, ang Home collection ng Beautederm.

Post ni Dingdong, “Maraming salamat for welcoming me to your family” at makikita ang post ni Marian ng may heart emoticons bilang pasasalamat.

Sana, matupad ang wish ng DongYan fans na magsama sa endorsement ng Beautederm sina Dingdong at Marian.

Speaking of Dingdong, special ang guest nito sa Sunday episode (bukas, January 10) ng Ama­zing Earth dahil si KC Concepcion ang kanyang mai-interview. Magluluto si KC at ikukuwento ang kanyang mga advocacy. Airing ito bago ang 24 Oras Weekend sa GMA 7.

Frankie bumuwelta sa mga umaatake sa kanyang kanta

May sagot si Frankie Pangilinan sa bashers na bina-bash ang pagiging musician/songwriter niya at kawalan ng career.

“I keep getting sent this one ridiculously hurtful post so lemme just say this.

“I’ve just turned 20, I’m supposed to be in school right now but that’s been put on hold due to the pandemic. If I don’t have a ‘career or I’m unsuccessful maybe that’s because I’m not even + 100 % focused on work yet. I’ve been able to finally focus on writing and music in this weird transitional period, which is great, because that’s actually what I want to do for the rest of my life. but if I haven’t met ur professional expectations maybe they’re just too high.

“I’m not a politician and I never ever said I wanted to be one. In fact I keep reiterating the opposite every chance I get. and it’s ridiculous, because people should be allowed to care about and love their country without being tagged as a political pawn???

“Also before you attack my voice or my writing- have u actually heard me sing??? have u actually read my stuff??? No??? then kindly shut up before u ruin what I love most in the world ty.

“Also u know what before u come for me... maybe think abt why u care so much... like truly why am I li­ving in ur brain v rent free despite the fact u suppo­sedly do not like me... sit down have some juice.”

Ang payo ng netizens kay Frankie, ‘wag nang patulan ang bashers, chill lang siya at darating ang araw na sisikat din siya.

Pagtubo ng buhok ng anak ni Ka Tunying, kinatuwa ng netizens

Sobrang nakakatuwa ang posted photos ni Anthony Taberna ng kanilang family picture at makikitang may tumubo ng buhok ang anak nila ni Rossel Taberna na si Zoey na nagkasakit ng leukemia.

“Walang bonnet. Walang hair extension. Walang wig. Ito na ang totoong buhok ni Zoey. Medyo mabagal tumubo pero magandang umpisa ng Bagong Taon. Go go go Zoey!!! Wag ka na malulungkot ulit sa buhok mo ha? We are Familia Taberna and we’re #TeamStrong! #AzasiaZoey #Azasiais Sweetand Beautiful #ZoeyisLife.”

Nagpahayag din ng tuwa at pasasalamat ang mga kaibigan nina Ka Tunying at Rossel sa magandang balitang ito. May mga nagbigay pa ng tips kung paano mas mabilis tumubo ang buhok.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with