^
Manager ni Maine, pumalag sa malisyosong post sa aktres

Manager ni Maine, pumalag sa malisyosong post sa aktres

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 25, 2020 - 12:00am

Inalmahan ng manager ni Maine Mendoza na si Rams David, kasama ang fans ng aktres nang may malisyosong post sa social media na inuugnay si Meng.

Deleted na ang post na ‘yon kaya naman nang makita ni Maine ang post, tweet niya, “Wtf??? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako ito!”

May screenshot naman si Rams ng ma­lisyosong post at nagbabala tungkol sa Cybercrime Prevention Act of 2012 or RA 10175.

Nag-tweet din si David ng bahagi ng provision ng batas. “You have been warned!!!!” bahagi ng tweet ni Rams.

Samantala, ang fans naman ni Meng, pina-trend ang hashtag na, “PROTECT MAINE AT ALL COST!!!”

Siyempre, bad trip para kay Maine ang malisyosong post lalo na’t kase-celebrate pa lang nila ng second year as a couple ni Arjo Atayde, huh!

Anyway, Maligayang Pasko sa lahat ng readers ang Pang Masa! Enjoy the holidays and stay safe!

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with