Pauline at Therese, online school ang inaatupag ‘pag break sa taping

Kahit na nasa lock-in taping, napagsasabay nina Pauline Mendoza at Therese Malvar ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo online.

Kapwa nasa teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat sina Pauline at Therese. Dahil roommates sila sa location nila, imbes na magkuwentuhan kapag breaktime, ang kanilang online school ang hinaharap nila.

“I’m taking up interior design po kaya ang work table ko puro templates. Nagsa-submit po ako ng mga pinapagawang designs bilang assignments ko kaya wala rin kaming time masyado ni Teri na magkuwentuhan. Si Teri naman, she’s taking up film kaya marami rin po siyang reading materials. We have our space po at kapag nakatapos na kami sa studies, dun lang kami nakakapagkuwentuhan,” sey ni Pauline.

Arra, focus muna sa Diyos 

Dumaan man sa maraming pagsubok si Arra San Agustin ngayong 2020, pero hindi nawala ang tiwala niya sa Panginoon.

Nagkaroon ng personal problems si Arra sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Hindi niya inakala na malalagpasan niya ang mga ito.

“Siguro ‘yung mga personal problems na nangyari sa akin na hindi ko na-imagine na mangyayari sa akin, kinaya ko. Noong nandoon ako sa situation, ino-overthink ko siya, ‘tapos masyado akong nagiging anxious, pero napagdadaanan naman pala,” sey niya.

Mabuti na lang at nabigyan agad ng mga trabaho si Arra kaya gumaan ang mabigat na nararamdaman nito. Kabilang na rito ang online show na Taste MNL at malapit nang magsimula na lock-in taping para sa teleserye na Lolong.

“Very thankful to God talaga. I think ngayong pandemic... masasabi ko naman na mayroon akong special relationship with God. But I think ngayong pandemic, mas naging close ako sa kanya.

Show comments