Beteranong direktor, namaalam na

Tuluyan nang namaalam ang veteran theater, stage and concert director na si Freddie Santos na sumakabilang-buhay nung nakaraang Huwebes ng umaga, December 17, 2020 dahil sa kumplikasyon ng sakit niyang diabetes.  He was 64.

Si Direk Freddie ay kilalang theater, stage and concert director, actor, brilliant writer, songwriter and jolly person. Halos lahat ng mga kilalang stage actor and major concert performers ay nakatrabaho na niya mula sa Broadway Diva na si Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valencino, ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez at napakarami pang iba.

Ang paglisan ni Direk Freddie ay malaking kawalan sa theater, stage and concert industry na kanyang pinaglingkuran sa loob ng mahigit apat na dekada.

Si Direk Freddie ay Hall of Fame awardee ng Aliw Awards bilang Best Stage Director.

Mula sa amin dito sa PM, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Jodi tinuturing na godmother

Ang pelikulang The Boy Foretold by the Stars na tinatampukan nina Keann Johnson at Adrian Linadayag ay siyang natatanging boys’ love rom-com movie na kalahok sa kauna-unahang online Metro Manila Film Festival na dinirek ng writer-director na si Dolly Dulu and produced ng Clever Minds, Inc. na pinangungunahan ng bagong film producer, ang mahusay na aktres na si Jodi Sta. Maria.

Fairy Godmother ang turing ni Direk Dolly kay Jodi dahil ito umano ang tumupad sa kanyang pangarap na maisapelikula ang The Boy Foretold by the Stars. Bukod sa paniniwala ni Jodi sa proyekto, gusto rin niyang makatulong sa iba’t ibang manggagawa ng industriya na nawalan ng hanap-buhay.

The movie (along with the 9 other official entries ng MMFF) ay kasama sa streaming worldwife sa pamamagitan ng upstream.ph/mmff  simula sa December 25, 2020 hanggang January 7, 2021.

Ice and Liza, mas tumitibay

Alam mo, Salve A., meant to be talaga sina Ice Seguerra at Liza Dino-Seguerra kahit nagkahiwalay sila ng 13 taon.

Eighteen years old pa lamang noon si Liza at sixteen naman si Ice nang una silang magkakilala in 2000.  Second year college noon si Liza sa U.P. at nagsisimula pa lamang sa kanyang acting career habang si Ice ay magpi-first year college sa UST kung saan sinamahan pa siya ni Liza mag-enroll. Pero para umanong bula na nawala si Liza nang ito’y magtungo ng Amerika kung saan siya namalagi ng 12 taon, nagkaasawa at nagkaroon ng isang anak, si Amara.  Pero ang pagsasama ni Liza at ng kanyang husband ay nauwi sa hiwalayan.

Taong 2012 nang bumalik ng Pilipinas si Liza para tumulong sa promo ng kanyang pelikulang In Nomine Matris na dinirek ni Will Fredon na siya rin mismo ang nasa lead cast.

Unknown to Ice, sinusundan umano siya ni Liza sa kanyang social media account.  Since nakabalik na siya ng Pilipinas ay nagpadala siya ng message sa singer-actor na nagulat dahil almost 13 years na silang walang communication sa isa’t isa magmula na mangibang bansa si Liza.

Very significant kina Ice at Liza ang mga petsang January 8, 2013, March 5, 2013 at May 13, 2013.  Ang January 8, 2013 ay ang petsang nagkita silang dalawa sa isang lugar sa UP.  March 5, 2013 naman nang maging sila habang ang May 13, 2013 ay ang petsang nagpakasal sila sa Las Vegas, Nevada as their `commitment wedding’. 

Through their six of marriage ay lalo umano nilang naa-appreciate ang isa’t isa hindi lamang because of their unwavering love and support  for each other kundi dahil na rin sa suporta sa kanila ng 12-year-old daughter ni Liza sa kanyang ex-husband na si Amara, ang kanilang respective families at mga kaibigan.

Show comments