Bong, naalala ang mga kasamahan sa Agimat

Maraming humahanga at pumupuri kay Sen. Bong Revilla pagdating sa pagtulong sa kapwa. Imagine na itinaon niya ngayong nalalapit na ang Pasko ang pagsisimula ng taping ng kanyang proyekto sa GMA na Agimat ng Agila.

Naisip ni Sen. Bong na gusto niyang kumita kahit papaano ang mga kasamang stuntman at mga tao sa likod ng naturang serye para may maipanghanda ang mga ito ngayong Pasko.

Maganda diumano ang Agimat ng Agila dahil malalim ang tema nito.

Sana tularan din ng ibang kapwa-artista at pulitiko si Bong sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Negosyo ni Marian suportado ng mayayamang fans

Bongga ang negosyo ni Marian Rivera na  bukod sa Flora Vida na mga pinatuyong bulaklak ay nakaisip na magnegosyo ng mga kagamitan sa bahay, na tinawag na Flora Vida Home, ngayong panahon ng quarantine. Sosyal ang dating ng mga produkto nito dahil galing ibang bansa ang decorations ng mga muebles, pero taga-Paete ang kinuha nitong mga manggagawa kung saan din galing ang mga ibang materyales na ginamit sa paggawa ng mga ito. 

Siyempre hindi mawawala ang bashers na kumukuwestyon anghalaga ng binebenta ng aktres. Meron daw kasi itong muwebles na nagkakahalagang P50K at mga throw pillow na tig-P5K, na ayon sa bashers ay sa ganitong panahon ng kahirapan ay may makaka-afford pa ba ng ganu’ng halaga?

Well, marami pa ring yayamaning fans ang aktres na tumatangkilik sa negosyo nito na excited at nakaabang talaga sa bawat ila-launch na bagong produkto ng aktres.

Miggs, sinuwerte na agad

Masuwerte naman ang child wonder ng Kapuso na si Miggs Cuaderno nang mapasama sa Metro Manila Film Festival ang movie nilang Magikland. Isa sa bulung-bulungan na mukhang kikita ang nasabing pelikula kapag pinalabas na ito.

‘Pag nagkataong suwertehin at manalo muli ng award si Miggs ay makakatulong ito sa kanya ng malaki para lalo siyang pagkatiwalaan ng magagandang proyekto. Nauna nang sinuwerte rin si Miggs nang kunin siyang sidekick ni Sen. Bong Revilla sa seryeng Agimat ng Agila.

Show comments