^

Pang Movies

Marian, binubuhos ang oras sa mga bulaklak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magkakaroon ng online presscon si Marian Rivera para sa kanyang Flora Vida business. Talagang kahit busy sa dalawang anak na sina Zia at Ziggy hindi pa rin matalikuran ni Marian ang kanyang flower business dahil nga grabe ang mga order na natatanggap nito at dito buhos ang oras niya ‘pag hindi siya busy sa dalawang anak.

Dahil sa bahay niya lang ginagawa ang lahat ng ideas, ‘yung artistic juices niya kahit papaano ay nasa-satisfy dahil sa Flora Vida. Meron na naman siyang mga fresh at new ideas sa flower arrangements na talaga namang naging very hot nitong lockdown period sa kagustuhan ng marami na mapaganda ang kanilang paligid, over flowing ang dating ng orders kaya tuwang-tuwa si Marian lalo pa nga at katulong na niya ang Dingdong.ph sa paghahatid ng mga bulaklak na order sa Flora Vida. Congrats, Marian Rivera-Dantes.

Magikland, ginawa para sa mga bata

Sayang talaga kung hindi mapapanood ng marami ang pelikulang Magikland. Ang laki ng ginasta at talagang buhos lahat sina direk Peque Gallaga at Lore Reyes sa paggawa nito. At dahil talagang binusisi at ginastahan kaya nagtagal bago inilabas, dahil nga sa effects na talagang at par sa Hollywood movies at ngayon lang ito mapapanood.

Sayang nga at sarado pa ang mga sinehan dahil bongga ito para sa mga bata lalo na nga at Pasko na season ng mga kabataan para manood ng pelikula na para sa kanila. Very modern ang atake nito at tiyak na hindi malilimutan ng mga manonood ang animations na sa abroad na ang ginawang processing.

Hay, sabik na talaga ang lahat sa Magikland ng Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with