^

Pang Movies

Pia, sa ibang channel na mapapanood

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sinagot ni Pia Guanio ang basher niya na nag-comment ng “don’t act like you are young coz your face tells your age 46, sorry, we are just being honest. Kawawa ka naman, trying hard ka masyado.”

Ang basher na ito ang nagko-comment din sa ibang post ni Pia at halos ganoon ang sinasabi, malapit na raw mag-50 years old si Pia at dapat, kumilos siya sa kanyang edad. Nag-dare pa ito na mag-report sa Eat, Bulaga si Pia ng walang makeup para makita ang tunay niyang hitsura.

Sinagot siya ni Pia, pero sa halip na awayin, maganda ang sinabi ng TV host na, “you’ve been very critical of me. I just want to say God bless you and give you whatever you need to have peace!”

Samantala, may nabanggit si Pia na may bago siyang show na malapit nang umere. Wala siyang binanggit na clue kung anong show ito at kung saang network, abangan na lang daw. Hindi rin sinagot ni Pia ang mga tanong kung wala na ba siya sa EB at kung babalik pa siya sa noontine show.

Ina at asawa, tuloy ang plano sa 2022

Kahit limited ang guests, masaya pa rin ang kasal ng Kapuso aktres at kontrabida Bilangin ang Bituin sa Langit na si Ina Feleo at sa asawang si James Gerva. Bukod sa mom niyang si director Laurice Guillen, sina Bodi at Djanin Cruz at dalawang anak nina Edgar Mortiz at Millette Santos at ilang family friends lang ang nakita namin sa wedding.

Pero, sabi ni Ina, may plano silang magpakasal sa simbahan, sa Palawan, hopefully, sa 2022 at dito, marami na ang invited. Tapos, ang reception ng church wedding nila ay sa beach. Nakaplano na dapat lahat, nabago lang  dahil nga sa COVID-19.

Ayaw daw nila ni James na via Zoom lang napapanood ang kanilang kasal at ang makikita pa, ang mga bisita at pati silang ikinasal ay nakasuot ng face mask. Umaasa si Ina na sa 2022, wala na ang COVID at magagawa na nila ang kanilang original plan.

Samantala, sa Monday, (December 7), na babalik sa telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit at recap muna sa mga umere ng episodes ang ipalalabas ng GMA 7 para maalala ng viewers ang story nito. Sa January 2021, saka pa lang mapapanood ang fresh episodes na kinunan sa lock-in taping.

Iya, sinasanay na ang 4-month-old baby sa paggamit ng toilet bowl

Four months pa lang si Alana, ang baby girl nina Drew Arellano at Iya Villania, pero ngayon pa lang, sinisimulan na siyang i-potty train ni Iya.

Kuwento ni Iya sa Instagram, pinaupo lang niya sa toilet si Alana at ginawa na ang dapat gawin nang nakaupo sa trono.

Sa isa pang litrato, nakaupo si Alana sa toilet at nakangiti pang nakatingin sa camera. Payo nito sa kapwa niya mommies, simulan na nila ngayon pa lang ang potty training sa kanilang mga anak.

Ayon kay Iya, kaya niya sinimulan ang potty training kay Alana this early dahil nagre-resist nang paupuin sa toilet seat kapag malaki na.

Nakakabilib nga si Iya at si Drew sa parenting style nila sa kanilang mga anak, may mga nagdi-disagree man, but in the end, lumalabas na tama pa rin si Iya.

Sharon at KC, nagkaayos

Matitigil na siguro ang akalang may isyu ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion dahil sa post ni KC sa Instagram ng mga padala sa kanya ni Sharon. Sabi ni KC, “It’s truly the little things that count. Thank you to my thoughtful mama for sending me these on-the-go essentials! Wow she even put my nickname on them... Super appre­ciate all the little things we do for each other ma, love you @reallysharoncuneta.”

May nag-comment agad at pinanawagan ang bashers na tigilan ang mag-ina, ‘wag pag-awayin at ‘wag gawan ng kung anu-anong isyu. ‘Wag na rin daw makisawsaw sa mga isyu ng mag-ina dahil hindi involved ang netizens. Totoo naman na kahit ano pa ang isyu kina Sharon at KC, mag-ina pa rin sila.

Pinost ni KC ang black Chanel bag, Frederic Malle cologne yata at iba pang little things na pinagpasalamat ni KC kay Sharon.

Anyway, natuwa ang followers ni KC sa suot niyang damit sa latest post niya dahil balot na balot  ang katawan at slight lang na nasisilip ang kanyang clea­vage. Nag-iingay ang followers at fans ni KC kapag nagpo-post siya na nakikita ang malalim na cleavage lalo na kung walang bra si KC.

But this time, ang mga comment ay “beautiful,” “stunning,” “refreshing,” “amazing, “so relaxing,” at “gorgeous.” Sana raw, laging ganoon ang suot ni KC para hindi sila apektado at nag-iingay na parang kapamilya sila ni KC.

vuukle comment

PIA GUANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with