Vic, Coco at Vice, kumpirmado hindi kasali sa MMFF 2020

Vic, Coco at Vice, kumpirmado hindi kasali sa MMFF 2020

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

Tuluy na tuloy ang digital edition ng Metro Manila Film Festival 2020 kahit may pandemic pa rin.

Pero absent sina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, at iba pang suki ng MMFF.

Kakaiba this year dahil bukod sa digital, pasok ang mga pelikulang ipalalabas sana sa 1st Metro Manila Summer Film Festival na naudlot dahil nga sa pandemya.

Narito ang official entries for 2020.

1. Magikland - by the late veteran filmmaker Peque Gallaga.

2. Coming Home - starring Sylvia Sanchez and Jinggoy Estrada.

3. The Missing - starring Ritz Azul and Miles Ocampo.

4. Tagpuan - Shaina Magdayao, Iza Calzado and Alfred Vargas. 

5. Isa Pang Bahaghari by Joel C. Lamangan,  with Nora Aunor and Philip Salvador. 

6. Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim  starring Barbie Imperial and Vhong Navarro. 

7. Pakboys Takusa starring Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla and Jerald Napoles.

8. The Boy Foretold by the Stars starring Adrian Lindayag and Omar Sortiljas.

9. Fan Girl starring Paulo Avelino and Charlie.

10. Suarez the Healing Priest starring John Arcilla.

Juday susubok uli sa Oscars

Ang pelikulang Mindanao ni Judy Ann Santos ang napili para ipadala ng Pilipinas sa screening committee para maging entry sa 93rd Oscars’  International Feature Film category.

Official entry sa Metro Manila Film Festival last year ang Mindanao kung saan nanalo pa ito ng Best Picture, Best Actress for Juday and Best Actor for Allen Dizon.

Ang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si former Miss Body Beautiful Vivian Velez ang ang nag-announce tungkol dito.

Nanalo ring best actress si Judy Ann sa Cairo International Film Festival 2019 para sa pelikulang ito na obra ni Direk Brillante Mendoza at nakasali na rin ito sa Busan International Film Festival.

Naaala ko pang matagal naka-move on si Judy Ann last December sa pagkapanalo niyang best actress sa Cairo Filmfest.

Unexpected kasi noon para sa kanya ang nasabing panalo dahil nga wala raw sa kamalayan niya na nominated siyang best actress. 

“Nang sabihin niyang (Direk Brillante) sa Cairo, hindi naman ako makakasama kasi totoo namang siksik, liglig ang schedule ko,” naalala kong dialogue ni Juday nang makausap namin habang bitbit ang trophy niya last December.

Pakiramdam niya noon, apat na Christmas gift na ang katapat ng nasabing trophy. 

Pero sadly hindi nga gaanong kumita ito sa MMFF.

 Nagpasalamat na si Judy sa pagkakapili sa kanyang pelikula. “Sooo much to be grateful for..? congratulations team mindanao!”

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with