^

Pang Movies

Sharon, hindi proud sa mga ginagawa ni KC?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, hindi proud sa mga ginagawa ni KC?!

Pinagmulan na naman ng sagutan ng maka-Sharon Cuneta at maka-KC Concepcion ang ni-repost ni Sharon sa Instagram ng cover ni Frankie Pangilinan sa NYLON magazine na pinagtabi ang pictures nila. Ang caption ni Sharon sa ni-repost na post. “I am so proud of my Kakie! She was chosen to be on the cover of the very first issue of NYLON MAGAZINE PHIL!!! I love you, Baba! Thank you so much, @nylonmag!!!” Sumagot si Frankie ng “i love u mama!”

May nag-comment kasi na buti pa kay Frankie proud si Sharon, kay KC daw, hindi proud si Sharon, ang dami raw magagandang ginagawa si KC. Sagot ng maka-Sharon sa maka-KC, tanungin nila si KC kung proud siya sa mama niya at mga kapatid. Hindi nga raw makapag-post si KC ng pictures ng siblings niya.

Hirit uli ng maka-KC, bakit hindi outspoken si Sharon sa achievements ni KC gaya ng jewelry designs nito at at YouTube channel. Sagot ng maka-Sharon, hindi ba siya nagtataka kung bakit hindi nito mabisita ang mama niya?

Mabuti pa raw si Gabby Concepcion, binigyan na niya ng birthday treat, may post-birthday pa silang dalawa. Kuwento pa ni Gabby, halos ayaw ni KC na maghiwalay sila at umiyak pa. Wish ng fans nina Sharon at KC, mag-date rin silang dalawa.

Sa maka-KC na nagtanong kay Sharon kung bakit hindi niya nakikita na kasama nila sa pictures si KC, ang sagot ng maka-Sharon, hindi raw nagpapakita si KC kina Sharon mula pa noong December 24, 2019, so, anong picture raw ang ipo-post?

Tuloy ang sagutan ng maka-Sharon at maka-KC sa IG ni Sharon kahit may sumaway na sa kanila na ‘wag nilang intrigahin ang mag-ina dahil kahit anong mangyari, mag-ina pa rin sila.

Ken, may mga pag-aari nang gasolinahan

Ang daming nag-congratulate kay Ken Chan dahil sa pinasok na bagong negosyo at ito ay ang maging franchise owner ng iFuel at hindi lang isang gasoline station ang kanyang bubuksan.  “In process of completing some long time goals of mine. Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!”

Bread winner si Ken ng kanilang pamilya, kaya malaking tulong sa kanyang pamilya ang dalawa nilang gasolinahan na malapit nang maging lima.

Masipag at mabait na anak si Ken, kaya tuluy-tuloy ang dating ng blessings at projects. Napapanood siya sa shows ng GMA 7 na The Clash at All-Out Sundays at may pelikula sila ni Rita Daniela, ang Huling Ulan sa Tag-Araw.

Virtual concert ni Alden, na-shoot na!

Tama ba ang intindi namin na na-shoot na ni director Paolo Valenciano ang Alden’s Reality concert ni Alden Richards and ready na for streaming sa December 8? Sa interview kasi kina direk Paolo at Alden, parang na-shoot na ang first virtual concert ng bansa.

Nabanggit kasi ni direk Pao na lahat ng nakatrabaho nila sa production, pati mga foreigner, hindi nila kilala si Alden before, pero ngayon and after the shoot, fans na sila ni Alden.

Gaya ni Alden, ang hihintayin na lang ni direk Paolo ay ang magiging reaction ng viewers, kung ready na silang manood ng concert na nasa loob lang sila sa kanilang bahay. Ticket wise sale, mukhang successful ang Alden’s Reality dahil maagang na-sold out ang VIP tickets, in fact, three days lang after its release, sold out na ang VIP tickets.

Speaking of Paolo, ang ganda ng sinabi nito patungkol kay Alden, “he was pushing the team to do more. He was spreading positive vibes and put up the morale of the team. He was the one who sort of kept the moral up. He pushed us to give our best and that is something I appreciate. I did not encounter any problem.”

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with