John Lloyd, ayaw palagpasin si Bea

John Lloyd, ayaw palagpasin si Bea

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 16, 2020 - 12:00am

Bumubuwelo lang daw si John Lloyd Cruz at tiyak matutuloy din ang reunion movie nila ni Bea Alonzo.

Actually, excited daw siyang muling humarap sa movie cameras. At aware daw siyang mara­ming magagandang projects siyang pinakawalan.

But if there is one project daw na ayaw niyang pakawalan, ito ay ang makatambal niyang muli si Bea.

One of the last movies na ginawa together nina John Lloyd at Bea was One More Chance, directed by direk Cathy Garcia-Molina.

Of John Lloyd, tinupad niya ang pangakong magdo-donate sa Barangay Guadalupe sa Cebu at mamimigay siya ng bitamina for children at mga COVID-19 frontliner.

Bagama’t recently namataan daw siya sa Metro Manila, in a huddle with Bea, sa Cebu pa rin si John Lloyd namamalagi.

Iyon din daw kasi ang paraan para makita niyang madalas si Elias, now two years old and whose mom is former actress Ellen Adarna, who is his spitting image raw.

Kilalang pamilya kasi ang mga Adarna sa Cebu.

Coco at Angelica, may kailangan pang gawin sa pelikula

Ang dahilan pala kung bakit hindi pa naipapalabas ang dapat sana’y first team-up nina Coco Martin at Angelica Panganiban, Love or Money, is because Star Cinema wants more scenes added to it. Kaso nga raw dapat kuhanan ang mga ito sa Dubai.

Dapat nga raw talaga ay umalis muli sina Coco at Angelica, plus everyone involved with the production, ani direk Olive Lamasan, now the managing director ng Star Cinema.

But the pandemic happened.

Jameson at Joao, pinag-uusapan

Pinag-uusapan ngayon ang ongoing BL (Boys’ Love) series, My Lockdown Romance, starring sina Jameson Blake at Joao Constancia.

Performance-wise, ang laki both ng in-improve ng dalawa na dati’y parehong pagiging mahusay na dan­cers lamang ang puwedeng ipagmalaki.

November 13 nang magsimulang mapanood ang My Lockdown Romance, via the CineXpress sections on ktx.ph and iWant TFC, and CineXpress channels, Sky and Cignal.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with