^

Pang Movies

Vice Gov Imelda, hindi na halos namamahinga

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Vice Gov Imelda, hindi na halos namamahinga

Walang tulog si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin hanggang ngayon dahil sa nangyaring trahedya sa Bicol na dulot ng magkasunod na malalakas na bagyo. Nakakadurog daw ng puso na makita ang mga kababayan niyang biktima ng malupit na bagyo. Awang-awa siya sa mga sanggol na kasamang nagdurusa sa kasalukuyan.

Matatag si Vice Gov. Mel at wala siyang planong sumuko sa matinding pagod kahit na napakaiksi na lang ng kanyang pahinga. Hangga’t maaari rin daw ay gusto niyang tuluy-tuloy ang pamimigay niya ng ayuda.

Ayon nga sa kanya ay tulung-tulong sila ng kanyang mga tauhan sa pag-aabot ng tulong.

Banggit pa niya, parang hindi siya makapaniwala sa mga nasaksihan sa kanilang lugar kung saan ang iba niyang kababayan ay umakyat na talaga sa ibabaw ng bubungan para makaligtas sa agos ng tubig-baha.

Sobrang laki raw talaga ang perwisyo na tinamo ng kanilang lugar dahil sa pagpuputol ng punong-kahoy sa kagubatan.

Aniya ang malakas na pagragasa ng tubig galing sa kabundukan ay sanhi raw ng kawalan ng punong-kahoy na pipigil sana sa pagdiretso ng tubig sa kabahayan.

Coco, MIA sa sakuna

Nasaan na nga ba si Coco Martin? Iyan ang tanong ng karamihan. Bakit nga ba ilang bagyo na ang sunud-sunod na humagupit pero hindi man lamang siya nasisilayang dumamay o mag-abot ng donasyon ‘di gaya ng ibang artista na aktibo sa pananawagan ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Hindi ba siya ang kino-consider na richest Kapamilya star? Bakit nga ba wala yatang ayudang naririnig na galing sa bida ng FPJ’s Ang Probinsyano?

Yayo, ‘di kayang mag-celebrate

Dahil sa nagaganap na kalamidad, kahit nanalong Best Supporting Actress si Yayo Aguila sa ika-43rd Urian Awards ay hindi ito nag-blowout kahit sa pamilya nito. Maging ang ika-15th birthday ng bunso niyang anak ay hindi sila nag-celebrate dahil katuwiran nilang mag-ina ay hindi nila kayang magsaya habang marami sa mga kababayan natin ang kasalukuyang nagugutom at naghihirap dahil sa bagyong Ulysses at sa pademya pa rin.

Nanalo si Yayo para sa pelikulang Metamorphosis.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with