Zanjoe at Angelica, sinasakyan ang ânangyariâ sa lock-in
Zanjoe at Angelica

Zanjoe at Angelica, sinasakyan ang ‘nangyari’ sa lock-in

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 15, 2020 - 12:00am

Tila idinaan na lang sa biro nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang sinulat ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis na nagka-develop-an ang dalawa habang nasa lock-in taping.

Sinulat ni Nay Lolit sa kanyang IG na nabasa niyang may na-develop nga raw kina Angelica at Zanjoe dahil nga two weeks na magkasama sa lock-in taping ang dalawa. Kasalukuyan nilang ginagawa ang seryeng Walang Hanggang Paalam ng ABS-CBN kasama si Paulo Avelino.

Sa Instagram Story nina Angelica at Zanjoe ay nag-post si Angelica ng larawan ng aktor na nasa loob ng sasakyan at tila kararating lang.

Caption ni Angelica, “sinalubong ako ng rumored boyfriend ko” at may hashtag na “9thswab.” Naka-tag din si Z sa post ng aktres.

Nirepost naman ito ni Zanjoe at nilagyan naman ng caption na “nagkadevelopan.”

Actually, maugong talaga ngayon ang tsikang nagkakamabutihan sina Zanjoe at Angelica lalo na nga’t may mga pahaging ang aktres at ang kanyang mga kaibigan sa recent Ask Angelica episode na parang may bago na siyang pag-ibig.

Pero may nagsasabi rin naman na going strong pa rin ang relasyon ni Zanjoe sa surfer na si Josie Prendergast kaya parang hindi naman daw true ang tsika.

May nagsabi ring gimmick lang daw ito para mapag-usapan ang kanilang serye.

ZANJOE MARUDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with