^

Pang Movies

Willie nagpaliwanag kung bakit kailangang malaman ng lahat ang kanyang pagtulong

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Willie nagpaliwanag kung bakit kailangang malaman ng lahat ang kanyang pagtulong
Willie

Nagbenta ng kotse para sa mga sinalanta

Hindi nagdalawang-isip si Willie Revillame na ibenta ang isa sa kanyang mamahaling sasakyan para mai-donate ang pera sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

Isang special episode para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses ang napanood noong nakaraang Biyernes, November 13 sa Wowowin.

Nagbigay ng update si Willie tungkol sa mga nasalanta nang makausap niya si Mayor Dennis Hernandez ng Montalban, Rizal at si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina. Ginamit din ng Wowowin host ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang nais na pagtulong.

Nabenta ni Willie ang kanyang sasakyan sa halagang P7 million at ito ang ipamimigay niya sa dalawang nabanggit na munisipalidad.

Sey ni Willie: “Bale ho P7 million, dadagdagan ko ho ‘yun ng kaunting naipon ko. Magbibigay po ako sa Montalban ng P5 million at another P5 million po sa Marikina. Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa ako ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time.”

Paglilinaw din ng Wowowin host, ipinapaabot niya ang kanyang personal na tulong hindi bilang pagmamayabang ngunit upang magkaroon ng accoun­tability para sa mga dapat makatanggap nito.

“Kaya ko ‘to sinasabi ho dahil ito ‘yung totoong nararamdaman ko. Sabi nila bakit kailangan ko pang ipakita sa TV o ano. Kailangan ko hong malaman n’yo para malaman ng mga kababayan n’yo na may perang inilaan para sa inyo at ‘yun po ay para sa inyo.

“Nandito po kami, nandito po ako. Hindi ko kailangan ng posisyon. Kailangan ko ho ng pagmamahal para sa inyo. Ipagdasal n’yo lang ho ako na sana tumagal pa ang programang ito para mas marami pa kaming matulungan.”

Grupo ni Dingdong abala...

Agad na nagtulung-tulong ang mga bumubuo ng AKTOR para makaipon ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Ang AKTOR ay samahan ng mga Pilipinong aktor, sa pangunguna ng tapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes. Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang grupo ng tulong sa publiko.

“Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Humihingi ang AktorPH ng tulong na abot sa kakayanan n’yo - malaking tulong ang anumang halaga o ang mga sumusunod: damit, kumot, tuwalya, vitamin C, tubig, bigas, de lata,” panawagan ni Dingdong.

Maaari raw dalhin sa Taumbayan Bar, 40 T. Gener cor K1st, Barangay Sacred Heart, Kamuning, Quezon City ang mga donasyon.

Harry Styles naniniwala sa Karma

Ang former One Direction member na si Harry Styles ang kauna-unahang male celebrity na maging solo cover ng VOGUE magazine. Lumabas ito noong nakaraang November 13.

Inamin ni Harry na bata pa lang siya, he likes to wear fancy clothes.

“I was really young, and I wore tights for a school play. I remember it was crazy to me that I was ­wearing a pair of tights. And that was maybe where it all kicked off!”

Noong sumikat ang 1D pagkatapos silang buuin ni Simon Cowell noong 2010 sa X Factor, nagkaroon ng kanya-kanyang style sina Harry at co-members niya na sina Niall Horan, Liam Payne, Louis Tomlinson and Zayn Malik.

Sa cover story, sinabi ni Harry na nagsilbing malaking lesson sa buhay ng marami ang taong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

“It’s such a good example of living in the moment. This year has been a time for opening up and learning and listening. I’ve been trying to read and educate myself so that in 20 years I’m still doing the right things and taking the right steps. I believe in karma, and I think it’s just a time right now where we could use a little more kindness and empathy and patience with people, be a little more prepared to listen and grow.”

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with