Daniel, natuklapan ng kisame; Nadia, walang naisalbang gamit
Daniel

Daniel, natuklapan ng kisame; Nadia, walang naisalbang gamit

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 14, 2020 - 12:00am

Hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan ang naapektuhan ng bagyong si Ulysses kundi maging ang mga artista rin.

Tulad na lamang ni Vice Ganda na nasira ang pagbabakasyon sa Balesin Island kasama ang boyfriend na si Ion Perez dahil sa malakas na bagyo.

Pinasok din ng baha ang loob ng bahay ni Nadia Montenegro sa Marcos Highway. Makikita ito sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Nadia, lahat daw ng gamit nila ay nasira pero ipinagpapasalamat naman niya na ligtas lahat sila.

Kahapon sa bagong update ni Nadia ay naging emosyonal siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan. Wala raw silang nai-save na kahit ano dahil sa bilis ng pangyayari. Maging ang mga sasakyan nila ay hindi raw nila naisalba. “Kahapon, bumigay po ‘yung wall ng creek sa tabi ng bahay namin. While we were trying to save the cars, nalingat lang po kami, the water from the back of the cars, du’n po dumaan and then, ‘yun nga, umabot na kaagad ng hita, tapos umabot na kaagad ng bewang. In short, wala kaming na-save, but those are material things,” ani Nadia.

Ang importante raw ay ligtas silang lahat ng kanyang pamilya.

Si Daniel Matsunaga naman ay inabot hanggang 5 a.m. sa pag-aayos ng kisame nila na nasira ng hangin. Sa video na ipinost niya ay makikita na siya talaga ang umakyat sa bubong para ayusin ito.

“Stay safe everyone out there... praying for the Philippines. we had a really horrible night under the rain until 5am trying to fix the ceiling cause the wind of the typhoon destroyed my glass cover on the third floor and the rain and wind didnt stop...lots of things flying... trees were on the floor and lots of accidents. grabe...” post ni Daniel.

Anne, tanggap na ang bagong trabaho

Hangga’t wala pang isang taon ang anak na si Dahlia, ayon kay Anne Curtis ay hindi muna siya babalik sa trabaho. Ito ang sinabi ng aktres sa kanyang online interview with Tim Yap.         

“I wouldn’t say na I’m in a rush to start wor­king again, just because lalo na for the first year of Dahlia’s life, I really wanna be there for her, and really see all the firsts that will happen. So, I just feel very happy and blessed that I get to spend this much time with her, na talagang 24/7 magkasama kami,” pahayag ni Anne na kasalukuyan pa ring nasa Australia with husband, Erwan Heussaff.

Ayon pa sa aktres ay masayang-masaya raw siya sa kanyang bagong role ngayon bilang isang nanay. “I’m so happy being a mom, and that is my new job, my new role in life,” sambit niya.

Pero inamin din naman niyang nakatanggap na raw siya ng movie scripts pero hindi niya nababasa. “I haven’t been reading scripts yet. I think I will probably start that next year pagbalik ko,” aniya.

She added, “come January, I’ll probably start reading pero I don’t think I’ll start shooting a film yet until Dahlia is one.”

Eleven months na pala si Anne sa Australia at sa ngayon ay 8 months na si Dahila. Matatandaang sa nasabing bansa nanganak ang aktres at doon na nga sila naabutan ng pandemic.

“I feel it was just like yesterday that I had a newborn. And now, she’s 8 months, and it went by like that. The time, like ‘where did it go?” Bigla na lang ang laki na niya,” she said.

When asked kung may plano na for baby no. 2, aniya ay hindi pa raw niya napag-isipan ‘yun.

“No, not yet. Maybe not yet because syempre, we wanna be able to focus on Dahlia for now. But who knows?” aniya.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with