^

Pang Movies

Rodjun, nagpaka-Papa Bear

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rodjun, nagpaka-Papa Bear
Rodjun

Naging protective daddy ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz sa kanyang two month baby boy na si Joaquin noong kasagsagan ng typhoon Ulysses.

Tinabihan ni Rodjun si Baby Joaquin sa crib nito complete with flashlight at mini-fan. Sa sobrang lakas ng hangin at ulan, ayaw ni Rodjun na makaramdam ng takot ang baby nila ng misis niyang si Dianne Medina.

Maraming netizens ang humanga sa pagiging ama ni Rodjun dahil para itong Papa Bear na tutok sa pag-alaga sa baby nito.

Chariz, napasaludo sa mga sekyu 

Nagpasalamat ang Kapuso comedian na si Chariz Solomon sa lahat ng frontliners na naka-duty kahit nanalasa ang bagyong Ulysses.

Sa Instagram post ng Bubble Gang star, nagpasalamat siya sa security guards at maintenance personnel sa kanilang village, na tuluy-tuloy ang trabaho kahit masama ang panahon.

“Grabe yung mga night shift guards and maintenance namin dito sa village kagabi. Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak pa rin)”

“Tapos mas inuna pa nila irelocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila. Salamat sa mga security and maintenance namin na sobrang maaasahan talaga.”

Kaya nagpaalala si Chariz sa marami na suklian ang kaba­yanihan ng frontliners na nagbibigay-serbisyo sa gitna ng isang bagyo.

Friends tuloy na sa 2021

Sa mga naghihintay ng reunion ng Friends, tuloy na ito sa 2021. Kinumpirma ito ni Matthew Perry, who played Chandler Bing in the hit sitcom, via Twitter. “Friends reunion being rescheduled for the beginning of March. Looks like we have a busy year coming up. And that’s the way I like it!” tweet ng aktor.

Dapat noong nakaraang May naganap ang reunion ng Friends cast na kasabay sa launch ng HBO Max kung saan ipapalabas ang rerun ng 10 seasons ng naturang sitcom. Pero na-put on hold ang lahat dahil sa COVID-19 pandemic.

Set to be filmed on the original Friends soundstage at Warner Bros. Studios, the unscripted special ay muling magsasama-sama sina Courteney Cox, Jennifer Aniston, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc, Matthew Perry and David Scwhimmer. Join din sa reunion ang creators ng show na sina Martha Kauffman, Kevin Bright and David Crane.

vuukle comment

RODJUN CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with