Rocco, kinaiinggitan sa naipatayong bahay

Rocco Nacino

‘Pag nakikita ko ‘yung ipinatayong bahay ni Rocco Nacino parang naiinggit ako para sa ibang StarStruck. Kasi nga ‘yung iba, hindi nagkaroon ng ganu’n kalaking bahay, hindi naayos ang finances, o hindi nakaipon ng ganu’n kalaki.

Iba talaga ‘pag ang suporta ng pamilya mo buo.

Iba naman ang kaso ni Enzo Pineda, mula’t sapul may kaya na sila kaya hindi mo hahanapan ng ganu’ng investment. Puwede rin dahil stable ang kalagayan ng mga magulang ni Rocco kaya madali para sa kanya ang makaipon at magpatayo ng malaking bahay.

Pero si Rocco kasi nakita mo ang perseverance at ang passion sa career niya, kaya hindi kataka-taka na mabilis na sumikat at makagawa ng pangalan.

Sana magsilbing inspiration sa lahat ng bagong stars si Rocco Nacino, hayan o, tingnan n’yo ang naipundar niya dahil sa sipag niya, hayan o, tingnan mo, sikat na siya at kilalang mahusay na artista. StarStruck iyan. 

Mga artista, rumesponde sa mga biktima ng bagyong Rolly

Ang galing naman ng mga tumulong sa Bicol. Dahil nga sobrang nasalanta ang mga tao doon sa bagyong Rolly, talagang buhos ang tulong na ibinigay sa bayang napuruhan ng bagyo.

Sobra nga naman ang sakit ng ulo ng mga taga-roon na meron na ngang pandemic, meron pang landslides, tapos may mga nawalan pa ng bahay dahil sa lakas ng hangin.

Nakakatuwa na kahit mga taga-showbiz ay kumilos para makatulong. Maraming artista, pati foreign actors ang nagpadala ng tulong.

Dito mo hahangaan ang GMA 7 at ABS-CBN sa bilis ng kanilang respond para magpadala ng tulong sa typhoon victims.

Sana maging maayos ang distribution at lahat ay mabigyan. Sana lang kahit papaano maging fair sa paghahatid ng tulong para walang maging issue.

Show comments