Marian naghahanda na sa third baby

Marian

Tatlong taon na ang docu-drama series na Tadhana ng GMA News & Public Affairs. Atubili nu’ng una si Marian Rivera na maging host ng programa pero look, lumawak na ang audience nito.

Kaya sa virtual presscon kay Yan, may konting pagbabago na hindi lang sa overseas Filipino workers ang sentro ng kuwento kundi pati sa simpleng tao.

“Nagpapasalamat ako at may Tadhana pa akong ginagawa. May tatlong movies din akong gagawin eh dahil sa pandemya dala ng COVID, mas pinili kong alagaan muna ang mga anak at asawa ko!” pahayag ni Marian.

Nitong pandemic, tumakas sila ng asawang si Dingdong Dantes upang magbakasyon sa isang wellness farm sa Batangas.

Buti naman at hindi sila nakabuo ng third baby? “Naku, may mga kontrata pa ako! Bata pa si Sixto (Ziggy). Huwag kang mag-alala, ilang buwan na lang at pwede na! Ha! Ha! Ha!” deklara niya.

Pinakawalan man ni Marian ang series na First Yaya, wala naman siyang pagsisisi na pinili niyang alagaan ang dalawang anak sa gitna ng pandemya!

Pabor ba siyang pag-aartistahin ang panganay na si Zia? “Tapusin muna niya ang pag-aaral niya dahil mahalaga sa amin ni Dong ang edukasyon kapag tapos na siya at gusto niyang mag-artista, susuportahan namin siya!” diin ni Yan Yan.

Ngayong buwan mapapanood ang anniversary episodes ng Tadhana.

Show comments