Ate Vi, nasira ang tradisyon ng birthday

Ate Vi

Maligayang kaarawan ngayong araw na ito, Nobyembre 3, kay Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto o Ate Vi ng showbiz industry.

Tuwing birthday ni Ate Vi, bumibiyahe siya sa ibang bansa kasama ang pamilya para sa short break sa trabaho at bonding sa pamilya. Pero purnada ang lahat ng ‘yon ngayon dahil sa pandemya dahil sa COVID-19.

Text sa amin ni Cong. Vilma, “Quiet celebration lang with family sa bahay lang!!!

“Nway, basta with family happy na ako! My birthday wish and prayers k Lord…AY MATAPOS NA ANG PAGSUBOK NA BINIBIGAY NG 2020. Lalo na ang COVID.

“Hirap na ang mga Pilipino…pati mundo! Sana ma bless tayo ni Lord na matapos na ang covid! Nywaym tuloy lang ang pag-iingat…

“35 years old na ako at HIGH RISK NA! Hahaha!

“TULOY ANG BUHAY, TRABAHO AT SERBISYO!

“Mag-ingat tayong lahat!!! Sumunod sa health protocols at yan ang magliligtas sa atin sa covid!!

“INGATAN ANG SARILI PARA MAINGATAN NATIN ANG IBA!!! Stay safe and protected!

“SA LAHAT NG NAKAALALA AT BUMATI SA BDAY KO…MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

“LOVE YOU!”

Happy, happy birthday, Cong/Ate Vi!  Batiin ko na rin ng maligayang kaarawan ang Parish Priest na­min  sa Holy Trinity, Balic-Balic, Sampaloc, Father Enrico Martin Adoviso!

Show comments