^

Pang Movies

Jason, naghahanda na sa election!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jason, naghahanda na sa election!
Jason

Habang wala pang pinagkakaabalahan na lock-in taping ang Kapuso actor na si Jason Abalos, inaasikaso nito ang pinapagawa niyang bahay sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Matagal nang dream ni Jason na magkaroon ng sarili niyang bahay sa kanilang probinsya. Noong maka-acquire na siya ng malaking property sa natu­rang probinsya, ang pagpapatayo ng bahay ang siyang inuna niya. “Sa wakas may bahay na ako. Mama at Ate hindi na ako makikitulog sa mga bahay n’yo. Pero makikikain pa din ako,” caption pa ni Jason sa Instagram post niya.

Sa probinsya nga gustong manirahan ni Jason dahil bukod sa malinis ang hangin, tahimik pa at simple lang daw ang kabuhayan. Pareho raw sila ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton na bet ang buhay-probinsya dahil taga-Bacolod ito.

Noong ipakita ni Jason ang lugar kung saan ipapatayo ng aktor ang magiging future house nila, natuwa si Vickie dahil miss na rin daw nito ang kanilang probinsya.

Pero may isang dahilan pa raw kung bakit gusto ni Jason na manirahan sa Pantabangan. Ayon sa isang source ay hinihikayat ang aktor na tumakbo ulit para sa isang government position sa naturang probinsya.

Kung matatandaan ay noong 2016 election ay tumakbo si Jason bilang konsehal sa Pantabangan dahil naaawa raw siya sa maraming tao roon na hindi nabibigyang pansin ng mga opisyales nila. Nais din daw tumulong ang aktor para i-promote ang tourism ng Pantabangan dahil ang dami raw magagandang lugar na puwedeng puntahan ng mga turista at makakatulong ito sa pag-asenso ng probinsya.

Pero hindi nga sinuwerte si Jason na manalo pero ang kanyang ama na si Popoy Abalos ay nanalong konsehal noong 2019 elections.

Suwertehin na kaya si Jason sa plano niyang tumakbo sa susunod na eleksyon?

Bea, susubukang ibangon ang negosyo

Kabilang si Bea Binene na kinailangang magsara ng kanyang negosyo nang magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic noong nakaraang Marso.

Ngayon after seven months ay excited na ang Kapuso actress na muling magbukas ng kanyang coffee shop business na Mix & Brew.

Marami raw requirement ang kailangan sa muling pagbukas ng kanyang business at inasikaso ito lahat ni Bea dahil kailangang sundin ang ilang health and safety protocols.

“Went to the store last week. Missing you so much, @mixandbrewcoffee.ph! We miss our dear customers too! We will come back soon and we’ll make sure to follow protocols for our safety,” post ni Bea sa IG.

Umaasa si Bea na muling makabangon ang mga small businesses tulad ng kanilang coffee shop para mabigyan nila ng trabaho ang maraming tao, lalo na’t paparating na ang Pasko.

vuukle comment

JASON ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with