Lumantad kasama si Markus, Janella wala pa ring sinasabi sa pagbubuntis
Markus at Janella
Lumantad kasama si Markus, Janella wala pa ring sinasabi sa pagbubuntis
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

Sinisilip ng followers ni Janella Salvador ang tiyan niya sa litrato niyang pinost sa kanyang Instagram kasama ang boyfriend na si Markus Patterson habang nasa Parade Gardens, United Kingdom.

Hanggang ngayon kasi, tiklop pa rin ang bibig ni Janella sa isyung buntis siya kaya nagpunta sa UK.

Simpleng caption niya, “A rainy autumn day with you.” Ito ang latest post ni Janella. October 18 ang huli niyang post na video.

In fairness, maraming pumuso kina Janella at Markus.

Nang silipin naman namin ang IG ng inang si Jenine Desiderio na nasa UK rin, wala siyang update kung nanganak ba o hindi si Janella.

Cherie Gil natakot sa mala-tsunaming alon ng bagyong Quinta

Nadale ng bagyong Quinta ang cast, staff and crew ng Kapuso docu-drama na Tadhana habang nagti-taping sa Laiya, Batangas.

Malaking alon ang rumagasa sa kinalulugaran ng lahat pati na ang set.

Takut na takot sa isa sa cast ng episode si Cherie Gil. Feeling niya, magkakaroon ng tsunami na naranasan niya noong pumunta siya sa Phuket, Thailand.

Safe namang natapos ng lahat ang episode at nakaligtas sa sakuna pagbalik sa Maynila. Si Marian Rivera ang host ng Tadhana.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with