^

Pang Movies

Jasmine, pinag-iingat sa dyowang maka-Marcos!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pati si Jasmine Curtis-Smith na wala naman sa regional tourism event, sinugod ng netizens dahil sa speech ng boyfriend niyang si Department of Tourism Regional Director-Ilocos Region Jeff Ortega kung saan, in-introduce nito si Senator Bongbong Marcos bilang vice president ng bansa.

Pinag-iingat ng netizens si Jasmine lalo’t magkaiba ang leanings nila sa pulitika. Dahil may posisyon sa gobyerno, obvious daw na maka-Duterte si Jeff at si Jasmine ay kritiko ng gobyerno at pumipitik kay President Rodrigo Duterte.

May nag-comment sa Instagram ni Jasmine na pagsabihan daw ng Kapuso aktres ang boyfriend na maka-Marcos dahil makakasira ito sa kanya. May nagsabi namang ang jowa niya ay Marcos apologist, kaya ayaw na niya kay Jasmine.

Grabe ang reaction ng netizens sa ginawa ni Jeff, paalalahanan daw ni Jasmine na ilang recount na ang ginawa at si Leni Robredo pa rin ang lumalabas na nanalo sa bilangan. Sabihin din daw niya kay Jeff na irespeto si VP Leni.

Kaya sa IG page ni Jasmine pumunta ang netizens at naglabas ng kanilang disappointment dahil sinet ni Jeff sa private ang IG account niya.

May nagpayo pa nga kay Jasmine ng “You better get rid of JO from your life. You’re smart and beautiful you’ll find someone more deserving.”

Kaya ‘yun, sa halip na ang pagbabalik ng Descendants of the Sun ang pag-usapan dahil sa teaser ng action/drama series ng GMA 7 ang pinost ni Jasmine at nagpaalalang balik-TV na ang kanilang teleserye, ang boyfriend na maka-Marcos na naging sentro ng topic.

Tekla, nilantad ang kadugyutan ng ka-live in

Ang laking tulong kay Tekla ang lumabas sa vlog nila ni Donita Nose na Donekla In Tandem na kung saan, makikita ang kadugyutan ng condo nina Tekla at former live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag. Nalaman kung gaano kadugyot ang nakatira na ultimo napkin, hindi maitapon sa basurahan.

Nakabawi si Tekla dahil sa vlog na may 1.45M subscribers at lahat sila, kampi sa kanya. ‘Wag na raw niyang balikan si Michelle at humanap na lang siya ng ibang babaeng mamahalin.

May fan pa nga si Tekla na nagalit kay Raffy Tulfo na bully daw at kampi kay Michelle. May nagsabi naman kay Donita na magdo-donate siya ng mga magagamit ni Tekla sa condo nito habang nagsisimula uli siya.

May nag-comment pala na sabi diumano ng kapatid ni Michelle, planted ang mga basura at ipis sa condo ni Tekla para raw palabasing dugyot si Michelle. Agad kinontra ng mga maka-Tekla ang isyung ito na pinalalabas na nanghuli ng ipis at nanguha ng basura sina Tekla at Donita, inilagay sa condo at saka nila lilinisin.

Pero planted nga ba?

vuukle comment

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with