Coco, hinahanapan ng tulong
BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Marami ang nakakapansin na higit pang maingay ang mga bali-balita tungkol sa mga expensive luxury car, ipinatatayong mansion, mga bagay na luho kaysa pamimigay ng tulong sa mga kasamahan sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Pero may mga nagkomentong sana raw gayahin nito ang pagi­ging matulungin din ni FPJ pero may nagsasabing baka nga naman sikreto kung tumulong si Coco ngayong may pandemya pa.

 Naku hayaan na natin. Kung anuman ang ginagawa niya ay sa kanya naman babalik ‘yun.

Ilonah, sa NY nag-birthday

Naabutan ng lockdown ang aktres na si Ilonah Jean sa Pilipinas kaya hindi ito nakabalik agad ng New York, na kung saan mayroon siyang trabaho.

Lumabas si Ilonah sa seryeng The Killer Bride ng Kapamilya network kaya siya nasa bansa. Pero nang payagang makabalik ng America, agad siyang umalis dahil doon nito planong i-celebrate ang birthday niya sa piling ng nag-iisang anak na si Miguel na six-footer na ang taas.

Happy birthday din sa mother ni Ilonah na si Mommy Malou at kapatid na international star na si Irene.

Vic at Joey, wapakels sa puting buhok

Nananatiling work from home setup ang mga host ng Eat Bulaga na sina Vic Sotto at Joey de Leon dahil sa safety and health protocols na ipinatutupad sa new normal lalo na nga’t mga senior citizen na sila.

May mga komentong hindi raw bagay kina Vic at Joey ang puting buhok.Parang nabawasan daw ang mga appeal ng dalawang host dahil nagmumukha raw ermitanyo ang mga ito. Pero meron din namang nagsasabi na bumagay daw sa mga host ang bagong hairdo.

Nauso noong lockdown sa mga artista ang puting buhok dahil nga sarado ang mga salon at barber shop kaya walang choice ang mga ito kundi patubuin ang nagpuputiang mga buhok.

Meron din naman na imbes na tumandang tingnan ay mas bumagay pa kagaya na lang ni Dawn Zulueta.

Well, ganyan talaga, basta ang isang ‘di puwedeng i-deny ay hindi na talaga maitatago ang pagtanda. That’s life.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with