Alex hindi nagpa-hospital nang magka-COVID!
Alex
Alex hindi nagpa-hospital nang magka-COVID!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Kahit malala ang sintomas, pamilya nahawa

Nanghina pati kuko ni Alex Gonzaga nang magkaroon ng COVID-19. Nahawa rin ang fiance niyang si Mikee Morada  at ang mommy at daddy niya at iba pang kasambahay.

Inamin niyang nagkaroon ng COVID outbreak sa kanilang bahay na tinawag niyang COVID house pero ngayon ay magaling na silang lahat kabilang na ang mga kamag-anak nilang nahawa rin nila.

Asymptomatic ang kanyang parents, pero sila ni Mikee ang mas malakas ang tama.  Hindi naman nahawa sila Toni.

Bukod sa kasal, hindi rin si Alex  napanood sa bagong programa niya sa TV5 na Lunch Out Loud dahil nga sa COVID. “Hindi ako nagpapakita sa show for two weeks, it’s because nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Nakuha namin siya out of pagkain sa labas which is naiintindihan ko naman. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours siguro dun niya nakuha yung COVID,” paliwanag niya.

“We are very blessed na na-survive namin ‘yung COVID, natalo namin. Tapos na-realize ko na hindi naman namin matatalo ‘to of course kung kami lang to nang family namin. God healed us, na hindi naramdaman ng mommy ko, ng parents ko ‘yung lala ng sitwasyon even if they’re senior citizens.

“I really have to pause my life, sorry for the term, recklessness. Naiyak ako and naisip ko, why not I share this journey with you so you can learn from our mistakes and to give you hope na puwede kayong gumaling,” bahagi pa ng kuwento niya sa vlog.

Nagkaroon siya ng sore throat, fever, loss of apetite / taste at loss of smell. Dumating pa sa puntong gusto na niyang pumunta sa hospital dahil mabigat daw ang pakiramdam ng dibdib niya na ginagawa pa niyang biro sa naturang vlog. Mabilis din siyang hingalin.

Naglagay din sila ng plastic wall sa bahay nila para makatiyak na hindi na kakalat pa ang infection. “Akala ko nakakaya ko na ‘yung COVID but dahil hindi ako masyadong nakakain dahil wala akong panlasa, sumama ‘yung pakiramdam ko, bumigat ‘yung feeling.

“I don’t feel well, so sabi ng nanay ko pumunta na raw dapat ako sa ospital pero ayaw ni Mikee kasi baka mas lumala pa ‘yung complications.

“Nung Monday, sobrang sama ng pakiramdam ko, as in level na gusto ko na pumunta sa ospital, as in napakahina ko. Hanggang ‘yung kuko ko mahina na talaga.

“Sabi ng friend ko gawin ko na ‘yung Melatonin, ‘pag gising ko medyo gumaan na pakiramdam ko,” na naging effective sa kanya dahil paggising niya ay umaayos nga ang pakiramdam niya sa nasabing video journey niya sa COVID-19.

Pagkatapos ng 14 days, ay nagpa-swab ulit sila at lumabas na negative ang resulta. “You really have to be extra careful. I’m sho­wing you guys this to show na you can survive COVID, kaya n’yo, and if ever hindi n’yo na nakaka­yanan, you consult your doctors if you have complications. You really have to take care of your body, you have to boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay. Thank you sa lahat ng mga nagdasal para sa’kin.”

Ngayon ay magaling na magaling na raw silang lahat at back to normal na ang lahat.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with