Sylvia, hindi natuloy sa X-mas serye ng TV5
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

May Christmas-serye pala ang TV5. May nagtsika sa akin na dapat pala ay si Sylvia Sanchez ang magbibida doon, pero dahil may bagong project sa ABS-CBN ang aktres, hindi niya puwedeng gawin ‘yon.

Marami raw iba’t ibang mga artistang sinubukang kunin, hindi lang from Kapamilya network, pati raw mga taga-GMA 7 like Dina Bonnevie at Snooky Serna, pero hindi naman puwede dahil may Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ang dalawang aktres.

Sa ngayon daw ay may nakuha na na magbibida sa Christmas-serye na ‘yon at on-going ang taping nila. Ang The IdeaFirst Company raw ng mag-asawang Direk Perci at Direk Jun Lana ang prodyuser nito. Dapat daw ay si Direk Joel Lamangan ang solo director nito, pero dahil may Anak ng Macho Dancer movie na gagawin ang batikang direktor, may iba’t ibang direktor silang kinuha like Direk Eric Quizon, Direk Ricky Davao na isa rin daw sa main cast ng nasabing Christmas-serye at Direk Perci.

Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil kahit may COVID-19 pandemic ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho sa showbiz, huh!

Nakakabilib din ang TV5 ni Mr. Manny V. Pangilinan dahil ang dami rin nilang bagong shows, huh! ‘Yun na!

Ogie, nagluluksa

Isa si Ogie Alcasid sa mga unang nag-post kahapon sa social media tungkol sa pagyao ng batikang direktor na si Al Quinn. Sa chat namin ni Ogie, tinanong ko siya kung naka-work na ba niya si Direk Al na yumao habang natutulog sa Los Angeles, California? “Yes, so many times. Sad,” simula ng singer/songwriter. “Sobrang daming projects na naging direktor ko si Direk Al. Then, ka-golf din namin siya ni Tito Eddie (Gutierrez), pati sa Goma Cup, nagka-golf din kami,” chat pa ni Ogie.

Katulad ni Ogie, sobrang nalungkot din si Annabelle Rama sa pagyao ng tinuturing na isa sa greatest television directors. Nang magkausap kami, ang  tungkol sa pagyao ni Direk Al ang ikinuwento ko sa Gutierrez matriarch. Ilang dinner concerts din ni Bisaya na prinodyus ang hinawakan noon ni Direk Al.

Magaan na katrabaho si Direk Al, kaya paborito siya ni Bisaya. Actually, noong kinuha ng TV5 si Bisaya para maging isa sa judges ng Star Factor at pinag-uusapan that time kung sino ang magiging direktor ng kanilang artista/talent search show, isa ang nanay ni Ruffa Gutierrez sa nag-suggest sa noon ay head ng Kapatid network, si Direk Perci Intalan, na si Direk Al ang kunin at pinauwi pa nga nila noon ng bansa ang batikang TV director kaya naman sobra siyang nalungkot na wala na si Direk Al.

 Sa family ni Direk Al, our condolences!

SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with