Kim, ayaw makipagsabong kay Maja!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Pinagsasabong ngayon ng mga netizen ang magkaibigang sina Maja Salvador and Kim Chiu dahil sa titulong Queen of the Dance Floor na ibinigay na ng ASAP kay Chinita Princess last Sunday.

Matatandaang dating hawak ni Maja ang titulong ito pero dahil nga nasa Sunday Noontime Live na siya ngayon sa TV5 ay ibinigay na ito kay Kim.Kaya naman nagre-react ang kanilang mga fans at pinagtatalunan kung sino ba talaga ang mas deserving sa title.

Sa kanyang latest blogcon ay nag-react si Kim sa isyung ito. “Si Maja, sobrang good friends kami, ang dami naming pinagdaanan, di ba? Kaya sobra ‘yung bond namin together,” simula ni Chinita Princess.

Tinatawanan na lang ni Kim ang mga fans na pinag-aaway sila ni Maja. Aniya ay queen pa rin daw ang kanyang BFF at hindi pa siya artista ay hangang-hanga na siya rito sa pagsasayaw. “Sa fans na kina-clash, pinag-aaway kami or kinukwestiyon nila ‘yung title na binigay ng ASAP, queen naman talaga si Maja. Kasi hindi pa ako artista, nilu-look ko na sila ni Shaina (Magdayao), UD4 pa lang,” aniya.

Ang UD4 ay dating dance group nina John Prats, Rayver Cruz, Shaina and Maja. “Kung queen ang pag-uusapan, queen din naman siya (Maja) kahit saan siya pumunta. So, Queen of the Dance Floor rin siya sa SNL. So, win-win situation,” natatawang say pa ni Kim.

Korina hindi na lang basta talent

Sa pagbabalik ng kanyang Rated Korina (da­ting Rated K) na this time ay sa TV5 na mapapanood, ayon kay Korina Sanchez ay hindi na lang daw siya basta talent ngayon kundi line producer na rin. Alam niyang masakit daw ito talaga sa ulo dahil naranasan na niyang maging executive producer sa mga dati niyang shows sa ABS-CBN pero she takes it as a challenge. “Sakit pala talaga sa ulo ang line production. Ikaw pala lahat, pati ‘yung gulong na sumabog sa kalye, sa ‘yo pa isusumbong. Nakakaloka!” sey ni Korina sa presscon niya held last Tuesday.

“Pati pagkain ng mga staff, pinapakialaman ko kung anon’g ulam kasi baka magsebo,” natatawa niya pang sabi.

Pero aminado naman siyang sakripisyo ring malaki ang pagbabalik niya ngayon sa trabaho lalo pa nga’t may pandemic dahil this would mean na mababawasan ang time niya sa dalawa nilang anak ni Mar Roxas na sina Pepe & Pilar. “Pag lumalabas ako, hindi ako pwedeng umuwi ng bahay. So, I don’t get to hold them a month at a time. So one month akong wala sa bahay, one month akong nando’n. Dati ‘yun. Pero ngayon na mayroon nang show, I have to figure a new schedule so that I get to go home like a week and then go out again after one week,” aniya.

Dahil nga line producer na rin siya ay halos daily raw ang trabaho at kinakapa pa ang schedule.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with